PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

- Nominado sa unang pagkakataon si TJ Valderrama ng Pinoy Big Brother Season 10

- Sa kanyang panawagan sa publiko, nagbiro siyang dalawa lamang daw ang kanyang supporters na ang isa ay nanay pa niya

- Aniya, maihahalintulad niya ang sarili sa asin na siyang nagbibigay ng flavor sa bahay ni Kuya

- Kasama ni TJ sa mga nominado sina Samantha Bernardo, Karen Bordador at sa ikatlong pagkakataon, si Alexa Ilacad

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa si TJ Valderrama sa mga nominado ngayong linggo na maaring ma-evict sa Bahay ni Kuya.

Nalaman ng KAMI na si TJ ang nakalikom ng ikatlong pinakamataas na puntos mula sa kanyang mga housemates.

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"
TJ Valderrama (Photo from Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Sa pagkakataong ibinigay sa kanila para manawagan sa publiko para sila'y iligtas, nagbiro si TJ na dalawa lamang daw ang kanyang mga supporters.

Read also

PBB housemates, nagulat sa anunsyong 'double eviction' sa susunod na linggo

"Dalawa lang po supporters ko, 'yung isa nanay ko pa. Joke! Suportahan niyo po ako," pahayag ni TJ.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naniniwala si TJ na isa umano siyang asin sa PBB house na nagbibigay ng flavor sa bahay ni Kuya.

Kasama ni Tj na mga nominado ngayong linggo sina Samantha Bernardo na nagkamit ng 8 points, Anji Salvacion na nagkamit ng 5 points at ang may pinakamataas na puntos na nalikom ay si Karen Bordador na may 9 points.

Narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa nasabing nominasyon:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad at TJ Valderrama.

Read also

Alexa Ilacad, sa pagiging nominado sa ikatlong pagkakataon: "Empake once more!"

Isa rin sa mga naging usap-usapan sa bahay ni Kuya at ang pagbibigay ni Madam Inutz ng dalawang puntos sa nominasyon kay Chie. Aniya, hindi raw ito nakatutulong sa kanila na tila pagpapaganda lamang umano ang iniintindi nito.

Si Chie ang ikatlong housemate na lumabas sa bahay ni Kuya nito lamang Nobyembre 20 habang si Kyle naman ang ikaapat na housemate na na-evict.

Naging usap-usapan din ang mga napansin ng publiko sa pagiging malapit ni Tj kay Shanaia. Agad naman itong nilinaw ng mga housemates gayundin ng Pinoy Big Brother.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel