PBB housemates, nagulat sa anunsyong 'double eviction' sa susunod na linggo

PBB housemates, nagulat sa anunsyong 'double eviction' sa susunod na linggo

- Ikinagulat ng mga housemates ng Pinoy Big Brother Season 10 ang anunsyong 'double eviction' sa susunod na linggo

- Apat ang nominado kabilang na sina Samantha, TJ, Karen at Alexa

- Dalawa sa kanila ang lalabas sa bahay ni Kuya imbis na isa lamang tulad ng kinagawian

- Sina TJ at Samantha ay pawang uang beses pa lamang na makasama sa mga nominado na maaring lumabas na sa bahay ni Kuya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makapigil hininga ang naging anunsyo ng Pinoy Big Brother host na si Toni Gonzaga nang sabihin niyang dalawa ang maaring lumabas ng Bahay ni Kuya sa susunod na linggo, Disyembre 5.

Nalaman ng KAMI na matapos i-anunsyo ang apat na nominado ngayong linggo na sina Samantha Bernardo, Karen Bordador, Alexa Ilacad at ang kontrobersyal kamakailan na housemate na si TJ Valderrama, sinabi ni Toni na 'double eviction' ang magaganap sa susunod na pagpili ng lalabas sa bahay ni Kuya.

Read also

Alexa Ilacad, sa pagiging nominado sa ikatlong pagkakataon: "Empake once more!"

PBB housemates, nagulat sa anunsyong dalawa 'double eviction' sa susunod na linggo
PBB housemates na nominado ngayong linggo, Nobyembre 28 (Photo from Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Labis na nagulat ang mga housemates na mababakas sa mukha nila lalo na ng mga nominado ang kaba.

Si Alexa na ikatlong beses na umanong napasama sa mga nominado ay nasambit ang 'empake once more' matapos mabanggit ang kanyang pangalan na hindi ligtas sa nominasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sina TJ naman at Samantha ay pawang unang beses lamang na maging nominado sa loob ng mahigit isang buwan nilang pamamalagi sa PBB house.

Patindi na ng patindi ang mga kaganapan sa Bahay ni Kuya lalo na at nagkakakilanlan na ang kanyang mga housemates.

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Ivana Alawi, super love ang pamangkin na si Gabriel na "Mamita" ang tawag sa kanya

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad at TJ Valderrama.

Isa rin sa mga naging usap-usapan sa bahay ni Kuya at ang pagbibigay ni Madam Inutz ng dalawang puntos sa nominasyon kay Chie. Aniya, hindi raw ito nakatutulong sa kanila na tila pagpapaganda lamang umano ang iniintindi nito.

Si Chie ang ikatlong housemate na lumabas sa bahay ni Kuya nito lamang Nobyembre 20.

Naging usap-usapan din ang mga napansin ng publiko sa pagiging malapit ni Tj kay Shanaia. Agad naman itong nilinaw ng mga housemates gayundin ng Pinoy Big Brother.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel