Alexa Ilacad, sa pagiging nominado sa ikatlong pagkakataon: "Empake once more!"

Alexa Ilacad, sa pagiging nominado sa ikatlong pagkakataon: "Empake once more!"

- Muling nakasama sa ikatlong pagkakataon si Alexa Ilacad ngayong linggo, Nobyembre 28

- Walang ibang nasabi si Alexa kundi "Empake once more"

- Matatandaang inamin ni Alexa na maging siya ay kinabahan sa ikalawang nominasyon sa pag-aakalang siya ang uuwi noong Nobyembre 27

- Subalit si Kyle ang napili ng taumbayan para tuluyan nang lumabas sa Bahay ni Kuya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakasama muli si Alexa Ilacad sa mga nominado ngayong Nobyembre 28 na maaring lumabas sa Pinoy Big Brother House.

Nalaman ng KAMI na ito ang ikatlong beses na makasama si Alexa sa mga nominado.

Alexa Ilacad, sa pagiging nominado sa ikalawang pagkakataon: "Empake once more!"
Alexa Ilacad (Photo from Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Matatandaang naikwento ni Alexa na kinabahan siya sa ikalawang beses na mapasama siya sa mga nominado.

Inakala niyang si Kyle pa ang maliligtas dahil sa mga supporters nito subalit si Kyle ang napili umano ng publiko para tuluyang lisanin ang bahay ni Kuya.

Read also

PBB housemates, nagulat sa anunsyong 'double eviction' sa susunod na linggo

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasama ni Alexa na nominado ngayong linggo sina Samantha Bernardo at TJ Valderrama.

Unang beses pa lamang na maging nominado nina Samantha at TJ.

Narito ang kabuuan ng kaganapan sa nomimansyon:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno at TJ Valderrama.

Isa rin sa mga naging usap-usapan sa bahay ni Kuya at ang pagbibigay ni Madam Inutz ng dalawang puntos sa nominasyon kay Chie. Aniya, hindi raw ito nakatutulong sa kanila na tila pagpapaganda lamang umano ang iniintindi nito.

Read also

Ivana Alawi, super love ang pamangkin na si Gabriel na "Mamita" ang tawag sa kanya

Si Chie ang ikatlong housemate na lumabas sa bahay ni Kuya nito lamang Nobyembre 20.

Naging usap-usapan din ang mga napansin ng publiko sa pagiging malapit ni Tj kay Shanaia. Agad naman itong nilinaw ng mga housemates gayundin ng Pinoy Big Brother.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel