Ivana Alawi, super love ang pamangkin na si Gabriel na "Mamita" ang tawag sa kanya

Ivana Alawi, super love ang pamangkin na si Gabriel na "Mamita" ang tawag sa kanya

- Naka-bonding ni Ivana Alawi ang kanyang buong pamilya sa Baguio City

- Aniya, isa sa pinakapaborito niyang lugar ang Baguio lalo na at talagang puntahan nila ito noon pa mang bata pa sila

- Kasama rin nila ang ate niyang si Amira at anak nitong si Gabriel na super sweet kay Ivana

- Katunayan, 'Mamita' ang tawag nito kay Ivana na ang ibig sabihin ay "Mommy Tita"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Super saya ng Alawi family na buo sa kanilang bonding sa Baguio City. Nakasama muli kasi nina Ivana ang kanyang ate Amira at anak nitong si Gabriel.

Nalaman ng KAMI na isa ang Baguio City sa mga paboritong lugar na puntahan ng kanilang pamilya. Bata pa lamang sila ay madalas na rin sila roon at tuwing bakasyon o free time tulad ngayon, sinisiguro nilang nakakapunta sila roon.

Read also

Jason, Mela at Steya, ipinakilala ang bagong alaga ng kanilang pamilya

Ivana Alawi, super love ang pamangkin na si Gabriel na "Mamita" ang tawag sa kanya
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Facebook

Sa pinakabagong video ni Ivana, ipinakita niya ang masayang bonding moments nilang mag-anak.

Maging ang sweetness ng kanyang pamangkin na si Gabriel ay makikita rin sa video. "Mamita" pa ang tawag nito sa kanya na ang ibig sabihin ay "Mommy Tita."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nakipagkulitan din ang kanilang ate Amira na aminadong pinaka-smart daw sa kanilang magkakapatid si Mona.

Doon naikwento rin nila ang inakala ng marami na papasok sa Harvard University ang bunso ng magkakapatid na Alawi.

Narito ang kabuuan ng kanilang masayang Baguio getaway:

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit 14 million ang kanyang YouTube subscribers.

Read also

Pamilyang nakatira sa sementeryo at kumakain lamang ng pagpag, natulungan ni Raffy Tulfo

Kamakailan, naging usap-usapan ang ilan sa mga vlogs ni Ivana na nagpapakita ng labis na pagmamahal at pagmamalasakit niya sa kanyang pamilya.

Tulad na lamang nang maikwento ni Ivana na nag-agaw buhay na umano ang kapatid na si Mona. Handa raw siyang gawin ang lahat, kahit na magkano, mapagaling lamang ang kapatid sa kondisyon nito.

Natuwa rin ang mga netizens sa challenge ni Ivana sa kanyang nanay kung saan niregaluhan niya ito ng isang milyong piso sa kanayang kaarawan.

Maging ang no cellphone challenge na inakala ng marami na basta challenge lamang, iyon pala pinalitan ni Ivana ng pinakabagong iPhone ang mga cellphone ng kanyang pamilya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel