Jason, Mela at Steya, ipinakilala ang bagong alaga ng kanilang pamilya

Jason, Mela at Steya, ipinakilala ang bagong alaga ng kanilang pamilya

- Ipinakilala nina Jason Francisco ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya

- Sinurpresa niya ang dalawang anak niyang sina Mela at Steya ng isang aso

- Mapapansing wala si Melai sa vlog na agad namang ipinaliwanag ng kanilang panganay na si Mela

- Kitang-kita ang saya ng mga bata habang nakikipaglaro sa bago nilang alaga na pinangalanan nilang Jack

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinakilala ni Jason Francisco ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya.

Sa kanilang vlog na Melason Official Youtube, ipinakita ni Jason kung paano niya sinurpresa ang kanyang mga anak na sina Mela at Steya.

Ibinili niya ang mga ito ng pet dog na hinihiling ng dalawa.

Jason, Mela at Steya, ipinakilala ang bagong miyembro ng kanilang pamilya
Jason Francisco (Melason Official YouTube)
Source: Facebook

Kaya naman namang iuwi niya ang 'tiny yorkie', tuwang-tuwa ang dalawang bata.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Pamilyang nakatira sa sementeryo at kumakain lamang ng pagpag, natulungan ni Raffy Tulfo

Subalit kapansin-pansin na wala si Melai sa video na napadaan lamang at hindi halos pinansin ang bago nilang alaga.

Agad naman itong ipinaliwanag ni Mela. "The only one who doesn't want a dog is Mama"

Nagkasundo naman sina Mela at Steya na Jack ang ipangalan sa kanilang pet.

Narito naman ang reaksyon ng mga netizens na natuwa rin para kina Mela at Steya at sa bagong 'baby' ng kanilang pamilya:

"Super cute ng reaksyon ng magkapatid.., Lalo na noong kinukumbinsi nila si Mommy Melai na mabait naman si Jack"
"Mama Melai, mabait naman daw po si Jack!"
"Sweet naman ni ate Mela at Steya sa dog... Nakakatuwa ailang magkakapatid. Si momshie Mela takot pala sa dog"
"Nakakatuwa naman mga gurls mo Melai and Jason they’re so cute natural na natural yung sense of humor nila! Very potential na! malay natin mga comedian din sila na gaya ng kanilang Mama yehey!"

Read also

Albie Casiño, may galit pa sa taong nanakit sa kanya: "I don't think na mawawala na 'yon e"

"Wow cute fur baby dog..galing manghula ni Steya"
"Nakaka-good vibes ang reaksyon nina Mela at Steya. Enjoy na enjoy sila"

Unang nakilala sa mundo ng showbiz si Melai Cantiveros nang hirangin siyang big winner ng Pinoy Big Brother: Double Up noong 2009. Dito niya rin nakilala ang kanyang mister sa tunay na buhay na si Jayson Francisco. Sila ay nabiyayaan ng dalawang anak.

Kamakailan, nag-viral ang pagbigay ni Melai ng sasakyan sa asawang si Jason. Ibinahagi ni Jason ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng pag-post sa kanyang social media account.

Nag-viral din ang vlog ni Kim Chiu kung saan hinamon niya ng 'bisaya challenge' si Melai. Tuwang-tuwa ang mga netizens na humirit pa ng part 2.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel