Albie Casiño, may galit pa sa taong nanakit sa kanya: "I don't think na mawawala na 'yon e"

Albie Casiño, may galit pa sa taong nanakit sa kanya: "I don't think na mawawala na 'yon e"

- Naging matapang ang mga naging pahayag ni Albie Casiño sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga

- Isa na rito ay ang kontrobersyal siyang mga nasabi patungkol sa taong pinaniniwalaan ng marami na si Andi Eigenmann, ang dati niyang nakarelasyon

- Aminado si Albie na mali ang mga nabitawan niyang mga salita kamakailan at pinagsisihan niya ito

- Subalit aminado si Albie na hindi pa rin umano nawawala ang galit niya sa nangyari na sa tuwing naiisip niya ang mga ito, dahil sa nakarelasyon, hindi magagandang bagay ang kanyang naaalala

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapang ngunit makabuluhan ang mga naging pahayag ni Albie Casiño sa naging interview sa kanya ni Toni Gonzaga.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga napag-usapan nila ay ang maanghang na pahayag ni Albie kamakailan na pinaniniwalaan ng marami na patungkol sa dati niyang nakarelasyon na si Andi Eigenmann.

Read also

Albie Casiño sa kontrobersyal na 'fat' statement: "I know now that I was wrong to say that"

Albie Casiño, may galit pa sa taong nanakit sa kanya: "I don't think na mawawala na 'yon e"
Photo: Albie Casiño
Source: Instagram

Aminado si Albie na sinadya niyang bitawan ang mga masasakit na salitang ito na labis naman niyang pinagsisishan gayung maging ang publiko ay na-offend sa kanyang sinabi.

Doon, naitanong sa kanya ni Toni kung may galit pa ba siyang nararamdaman sa taong ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I dont' think mawawala na 'yon e. It's not there all the time. If someone brings her up to me, it's not good emothions that I'm thinking, it's not good feelings that I'm feeling," paliwanag ng 2nd evictee ng PBB 2021.

"In my mind I was like, well they publicly ruined me, They had me assaulted, they dragged my family name... That's what's going through my head."

Gayunpaman, aminado si Albie na mali ang kanyang mga nasabi na kanya rin umanong pinagsisisihan. Lalo na at na-offend din maging ang mga taong nakabasa lamang nito.

Read also

Dennis at Jennylyn sa text ng doktor ukol sa threatened abortion: "Talagang kinabahan tayo"

Humingi naman ng paumanhin si Albie sa nangyari at nadala lamang daw umano siya ng kanyang nararamdaman.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag sa Toni Gonzaga Studio:

Si Albie Casiño ay isang Filipino actor na dating naging kasintahan ni Andi Eigenmann. Siya ang ikalawang evictee sa Pinoy Big Brither Season 10 celebrity edition.

Gumawa ng ingay kamakailan si Albie dahil umano sa naging isyu nila ng kapwa housemate na si Alexa Ilacad. Bago pa man tuluyang ma-evict si Albie, nagkausap at nagkaayos na sila ni Alexa.

Matatandaang kasama niyang nominado sa 2nd eviction night na iyon sina Anji at KD. Bagaman at naligtas at hindi napili lumabas ng bahay si KD, labis naman niyang dinamdam ang muli niyang pagiging nominado sa ikatlong pagkakataon na.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel