Dennis at Jennylyn sa text ng doktor ukol sa threatened abortion: "Talagang kinabahan tayo"

Dennis at Jennylyn sa text ng doktor ukol sa threatened abortion: "Talagang kinabahan tayo"

- Ikinuwento ni Dennis Trillo ang nakaalarma sa kanila sa pagbubuntis ni Jennylyn Mercado

- Nang pinahintulutan na si Jennylyn ng kanyang doktor na mag-workout, nakaramdam ito ng pananakit sa katawan

- Nang kanila muli itong ikonsulta, labis silang naalarma sa reply ng doktor sa text na maaring threatened abortion na ang nangyayari sa aktres

- Kaya naman itigil na muli ni Jennylyn ang pre-natal workout, nagpahinga at masayang nalaman na maayos naman ang lagay ng kanilang baby

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang labis na ikinaalarma nila tungkol sa pagbubuntis ng aktres.

Nalaman ng KAMI na nabahala ang Kapuso couple at ngayo'y mag-asawa na nang ang pre-natal workout ni Jen ay magreresulta sa di umano'y threatened abortion nito.

Dennis at Jennylyn sa text ng doktor ukol sa threatened abortion: "Talagang kinabahan tayo"
Dennis Trillo at Jennylyn Mercado (Photo: Screengrab from Jennylyn Mercado's Youtube channel)
Source: Instagram

Nang pinahintulutan na kasi si Jennylyn na makapag-stretching at makapag-light workout, nakaramdam naman daw siya ng pananakit ng katawan.

Read also

Dennis at Jennylyn, idinetalye ang mga kaganapan sa kanilang civil wedding

"Araw-araw ko nang nararamdaman 'yung pain. Nararamdaman kong 'di na ako ok ulet," kwento ni Jen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad nila itong ikinunsulta sa doktor at labis silang naalarma sa naging reply nito.

"Nag-text siya at talaga namang kinabahan tayo... Sinabi niya na merong threatened abortion. 'Dun pa lang sa salitang yun, naalarma na kami dahil ayaw naming marinig 'yung salita na 'yun," pahayag naman ni Dennis.

Dahil dito, itinigil na ni Jen ang kanyang pre-natal workout at patuloy na nagpahinga para sa kaligtasan ng kanilang baby.

Sa kanilang pagpapa-check up, masaya silang nalaman na maayos naman ang kalagayan ng kanilang anak.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ng aktres:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Read also

Short video ng kasalan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, viral

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y asawa na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Oktubre 29, in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen.

At nito lamang Nobyembre 15, naibahagi ni Jennylyn sa kanyang Facebook page na ikinasal na sila ni Dennis Trillo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel