Short video ng kasalan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, viral

Short video ng kasalan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, viral

- Mabilis na nag-viral ang short video na kuha mismo sa kasalan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

- Ilang araw matapos na dagliang ibinahagi ni Jennylyn ang larawang kuha sa kasal nila ni Dennis, ibinahagi na rin ang video ng ilang kaganapan sa kanilang pag-iisang dibdib

- Simple ngunit elegante ang kanilang kasalan na dinaluhan ng malalapit na tao sa kanila

- Matatandaang kasabay ng kanilang engagement ang pagkumpirma nila na nagdadalang tao ang Kapuso actress

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ibinahagi na ang video ng ilang mga kaganapan sa kasalan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Nalaman ng KAMI na sa video na ibinahagi ng NicePrint Photography, ipinasilip ng bagong kasal ang kanilang simple subalit eleganteng pag-iisang dibdib na dinaluhan ng malalapit na tao sa kanila.

Short video ng kasalan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, viral
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Photo from Jennylyn Mercado's Youtube channel
Source: Facebook

Kapansin-pansin ang green na motif dito gayundin ang tila coat na suot ni Jennylyn na talagang blooming sa kanyang wedding.

Read also

Neri Miranda sa regalong unli-shopping ni Chito: "Wow naman, ang bait!"

Nagpaluha raw ito ilang netizens na ramdam ang pagmamahalan ng dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, nagbahagi na rin si Dennis ng ilan pang mga larawan mula sa wedding na dapat daw sana'y sa isang taon pa magaganap at hindi dito sa Pilipinas.

Narito ang kabuuan ng video na ibinahagi rin sa YouTube channel:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y fiancée na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Read also

Dennis at Jennylyn sa text ng doktor ukol sa threatened abortion: "Talagang kinabahan tayo"

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Oktubre 29, in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen.

At nito lamang Nobyembre 15, naibahagi ni Jennylyn sa kanyang Facebook page na ikinasal na sila ni Dennis Trillo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel