Neri Miranda sa regalong unli-shopping ni Chito: "Wow naman, ang bait!"

Neri Miranda sa regalong unli-shopping ni Chito: "Wow naman, ang bait!"

- Viral ngayon ang sweet message ni Chito Miranda sa kanyang wais na misis na si Neri

- Dahil sa mabait daw ang kanyang asawa, nais daw niya itong regaluhan ng unli-shopping

- Agad namang sumagot ang kanyang misis na nai-share ang naturang post

- Maraming netizens ang napa-sana all sa sweetness ng dalawa na siyang hinahangaan din ng marami

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mabilis na nag-viral ang post ni Chito Miranda tungkol sa binabalak nitong regalo sa misis niyang si Neri Naig-Miranda na 'unli-shopping'.

Nalaman ng KAMI na muli na namang nagpakita ng sweetness si Chito sa kanyang 'wais na misis' sa kanyang social media post na agad din nitong sinagot.

Neri Miranda sa regalong unli-shopping ni Chito: "Wow naman, ang bait!"
Neri at Chito Miranda (Photo from Chito Miranda)
Source: Facebook

"Ang bait bait ng asawa ko. Gusto kong regaluhan ng unli shopping," pahayag ni Chito sa kanya ngayong viral post.

Read also

Dennis at Jennylyn sa text ng doktor ukol sa threatened abortion: "Talagang kinabahan tayo"

At sinagot naman ito kaagad ng kanyang misis ng "Wow naman! Ang bait"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maraming fans ang kinilig sa nakatutuwang palitan ng mensahe na ito ng dalawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Sana all may chito miranda na may pa-unli-shopping"
"Sabay-sabay tayong mag-sana all may Chito Miranda"
"You deserve each other. Pareho po kayong swerte sa isa't isa. Nakaka-inspire!"
"Sana maisip din yan ng mister ko, mabait din naman ako"
"Ipapabasa ko to sa mister ko... para magka-idea siya ng ireregalo sa kin"

Si Chito Miranda ay ang bokalista ng sikat na banda sa Pilipinas, ang 'Parokya ni Edgar.' Ikinasal siya sa aktres at ngayo'y isang successful businesswoman na si Neri Naig Miranda. Nabiyayaan sila ng dalawang anak, sina Miggy at ang newborn baby na si Cash.

Read also

Maymay Entrata, kinaaliwan sa kanyang version ng "skrrt" kasama si Mimiyuuuh

Kamakailan, hinangaan ang mag-asawang sina Chito at Neri matapos na isurpresa ang nag-viral na bagong kasal na na-scam umano ng kanilang wedding organizer.

Matatandaang dumurog sa puso ng mga netizens ang larawan ng bride na hindi napigilang mapaiyak nang malamang wala palang nai-book na reception ang organizer kahit fully paid na sila rito.

Nakarating ito sa mag-asawang Miranda na naghandog sa kanila ng bonggang wedding reception. Hinarana pa sila ni Chito kaya naman mas lalong naging espesyal ang wedding reception nila.

Samantala, si Raffy Tulfo naman ang sumagot sa honeymoon ng bagong kasal kaya naman ang luha ng bride sa mismong wedding day niya ay napalitan ng saya sa dami ng tumulong sa kanilang mag-asawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel