PBB TJ, emosyonal dala ng nalalapit na eviction: "Posibleng-posible na umuwi na ako"

PBB TJ, emosyonal dala ng nalalapit na eviction: "Posibleng-posible na umuwi na ako"

- Hindi na napigilan pa ni TJ Valderrama na maging emosyonal sa nalalapit na 5th eviction night sa 'Pinoy Big Brother' Season 10

- Isa si TJ sa mga nominado ngayong linggo kasama sina Alexa, Samantha at Karen

- Ngayon linggo, marami ring naganap na mga pagbabago sa loob ng bahay ni Kuya

- Isa na rito ang paghahati ng mga housemates sa dalawang grupo na talagang sumubok sa mga celebrity housemates

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Bumuhos ang lungkot at emosyon ng Pinoy Big Brother celebrity housemate na si TJ dahil umano sa nalalapit na ikalimang eviction sa Linggo.

Nalaman ng KAMI na isa si TJ sa mga nominado ngayong linggo kasama nina Samantha Bernardo, Alexa Ilacad at Karen Bordador.

PBB TJ, emosyonal dala ng nalalapit na eviction: "Posibleng-posible na umuwi na ako"
TJ Valderrama (Photo from Pinoy Big Brother)
Source: Facebook

Ngayong linggo rin naganap ang paghahati ng mga housemates sa dalawang grupo na labis na nakaapekto sa bawat isa sa kanila.

Read also

PBB Karen, 'di napigilang maglabas ng saloobin kay TJ: "Nakaka-bad trip talaga"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dala umano ng lungkot, aminado si TJ na tila nalalapit na ang paglabas niya sa bahay ni Kuya.

"Dahan- dahan na pong nagsi-sink in na, pwedeng pwede na akong lumabas ng bahay niyo," ang nasabi ni TJ nang kausapin siya ni Big Brother sa confession room.

"Posibleng-posible na umuwi na ako," dagdag pa niya.

"And this may be the last week na makasama ko silang mga housemates"

Nakadagdag umano sa tindi ng tensyon ay ang sitwasyon ng pagkakahati nila sa dalawang grupo.

"Tapos may paghihiwalay pang ganito, napakahirap po kuya"

"Sabi ko nga timing na timing kung kailan ako na-nominate, posibleng umalis na sa bahay niyo, 'yan yung panahong mas gusto kong sulitin 'yung bawat isa, mas gusto kong sulitin 'yung oras," naiiyak nang nasambit ni TJ.

Read also

PBB Eian, 'di napigilang maglabas ng sama ng loob kay Anji: "Buong buhay kong dadalhin 'to"

Narito ang kabuuan ng kanyang mga pahayag mula sa Pinoy Big Brother YouTube channel:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad.

Samantala, kamakailan ay naging kontrobersyal ang housemate na si TJ Valderrama dahil umano sa pagiging malapit niya kay Shanaia.

Napansin ito ng mga tagasubaybay ng show at sinabing tila harassment na umano ang nagagawa ni TJ sa kasamang babae.

Subalit agad namang binigyan ng tuldok ang isyung ito nang mismong ang mga housemates na ang nagkumpirmang walang harassment na nagaganap sa loob ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel