PBB Eian, 'di napigilang maglabas ng sama ng loob kay Anji: "Buong buhay kong dadalhin 'to"

PBB Eian, 'di napigilang maglabas ng sama ng loob kay Anji: "Buong buhay kong dadalhin 'to"

- Hindi napigilang maiyak ni Eian Rances dala umano ng sama ng loob niya kay Anji Salvacion

- Ngayong linggo, hinati ni Kuya ang mga housemate sa dalawang grupo

- Si Anji, bilang head of household ngayong linggo ang naatasan sa pagkakahati ng mga grupo

- Dahil hindi ka-close ni Eian ang kanyang mga naka-grupo, sinasabing sinisisi nito si Anji

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bumuhos ang emosyon ng Pinoy Big Brother Housemate na si Eian Rances kamakailan.

Nalaman ng KAMI na dala ito ng paghahati ni 'Kuya' sa kanila sa dalawang grupo.

Ang mga grupong ito ang magkakasama sa buong linggo at sama-samang gagawa ng mga tasks.

PBB Eian, 'di napigilang maglabas ng sama ng loob kay Anji: "Buong buhay kong dadalhin 'to"
Eian Rances (Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Si Anji Salvacion na head of household ngayong linggo ang naatasan ni Kuya sa pagkakahati ng grupo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

Sinasabing ang paghagulhol ni Eian na nahagip ng camera sa bahay ni Kuya ay dahil sa hindi nito naging ka-grupo ang mga ka-close niya sa loob ng bahay.

Dahil dito, sinisisi umano ni Eian si Anji sa nangyari at dala ng sama ng loob, nasabi niyang habang buhay niya itong dadalhin.

"Gusto kong sigawan si Anji"

"Nanggigigil lang ako. Habang buhay kong dadalhin 'to," ang nabitawang mga salita ni Eian habang pilit naman siyang pinakakalma ng mga ka-grupo na sina Jordan at Alyssa.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Pinoy Big Brother Kumu na ibinahagi rin ng netizen na si @kyjihimlayy Sa TikTok:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad.

Read also

Alexa Ilacad, sa pagiging nominado sa ikatlong pagkakataon: "Empake once more!"

Samantala, kamakailan ay naging kontrobersyal ang housemate na si TJ Valderrama dahil umano sa pagiging malapit niya kay Shanaia.

Napansin ito ng mga tagasubaybay ng show at sinabing tila harassment na umano ang nagagawa ni TJ sa kasamang babae.

Subalit agad namang binigyan ng tuldok ang isyung ito nang mismong ang mga housemates na ang nagkumpirmang walang harassment na nagaganap sa loob ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel