PBB housemate TJ, mayroon na agad mahigit 1 million eviction votes

PBB housemate TJ, mayroon na agad mahigit 1 million eviction votes

- Sa loob lamang ng halos 24 oras mula nang magbukas ang botohan, mahigit isang milyon na ang eviction votes para kay TJ

- Malayo ang agwat ng puntos niya sa pumapangalawa na si Samantha na halos kadikit naman ng puntos ni Karen

- Si Tj din ang may pinakamababang boto na nakuha sa 'votes to save'

- Trending din ang 'BBE TJ' sa Twitter matapos na maging nominado sa ikalimang nominasyon sa 'Pinoy Big Brother Season 10'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Usap-usapan ngayon ang pagkakasama ni TJ Valderrama sa mga nominado ngayong linggo na maaring ma-evict sa Pinoy Big Brother house.

Nalaman ng KAMI na bukod kay TJ, nominado rin sina Samantha Bernardo, Karen Bordador at Alexa Ilacad.

PBB housemate TJ, mayroon na agad mahigit 1 million eviction votes
PBB housemate TJ Valderrama (Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Subalit mas lalong nakaagaw ng pansin ang mga natatanggap na 'votes to evict' ni TJ na umabot na sa mahigit isang milyon. Ito ay 24 oras pa lamang mula nang magbukas ang botohan.

Read also

PBB TJ, nanawagan sa kanyang dalawang supporters: "Yung isa nanay ko pa, joke!"

Malayong-malayo ang agwat ng puntos niya kay Samantha na nasa 180,000 votes to evict na ang natatanggap. Hindi naman nalalayo rito ang puntos ni Karen na nasa 170,000 habang si Alexa naman ay 37.40K lamang.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si TJ din ang may pinakamababang puntos sa 'votes to save' na umabot lamang sa 48.40K habang ang nangunguna naman na ma-save ay si Alexa na mayroong 1.634M votes. Kapansin-pansin naman na dikit din sila sa votes to save ni Samantha na may 1.632M votes.

Gayunpaman, mayroon pa silang apat na araw para makumpirma kung ito na nga ba ang kalalabasan ng hatol ng taumbayan.

Samantala, nitong Linggo Nobyembre 28, sa pagkakataong ibinigay sa kanila para manawagan sa publiko para sila'y iligtas, nagbiro si TJ na dalawa lamang daw ang kanyang mga supporters.

Read also

PBB housemates, nagulat sa anunsyong 'double eviction' sa susunod na linggo

"Dalawa lang po supporters ko, 'yung isa nanay ko pa. Joke! Suportahan niyo po ako," pahayag ni TJ.

Naniniwala si TJ na isa umano siyang asin sa PBB house na nagbibigay ng flavor sa bahay ni Kuya.

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad at TJ Valderrama.

Isa si TJ sa mga naging kontrobersyal na housemates dahil umano sa pagiging malapit niya kay Shanaia. Napansin ito ng mga tagasubaybay ng show at sinabing tila harassment na umano ang nagagawa ni TJ sa kasamang babae. Subalit agad namang binigyan ng tuldok ang isyung ito nang mismong ang mga housemates na ang nagkumpirmang walang harassment na nagaganap sa loob ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel