BF ni Brenda Mage, sinaway ng mga kasama nang amining nagseselos ito kay Eian

BF ni Brenda Mage, sinaway ng mga kasama nang amining nagseselos ito kay Eian

- Umamin ang boyfriend ni Brenda Mage na si Kelvin na nagseselos ito sa closeness nina Brenda at Eian

- Nabanggit niya ito matapos na basahin nila ang isang komento ng netizen na nagsasabing wala umanong dapat na ipagselos si Kelvin

- Ito ay dahil sa "naaamoy" daw ng netizen si Eian kaya naman tinanong ng kaibigan nina Brenda kung nagseselos nga ba si Kelvin

- Sinaway naman ito ng kanilang mga kasama nang sabihing "konti" lang ang selos niya gayung tahasang binanggit nito na bakla si Eian

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Viral nga ngayon ang video ng pag-amin ni Kelvin, ang boyfriend ni Brenda Mage na nagseselos umano ito kay Eian Rances.

Nalaman ng KAMI na kasama ni Kelvin ang mga kaibigan ni Brenda habang nagbabasa sila ng ilang mga komento ng netizens.

Read also

Chie Filomeno, umaming may crush kay Kyle Echarri: "Sobrang talented niyang bata"

BF ni Brenda Mage, sinaway ng mga kasama nang amining nagseselos ito kay Eian
Photo from Brenda Mage
Source: Instagram

Isa rito ang pahayag ng netizen na wala raw dapat na ipagselos si Kelvin sa closeness nina Eian at Brenda gayung "naaamoy" daw niya si Eian.

Nang tanungin ng isang kaibigan nila si Kelvin kung ano nga ba ang reaksyon nito kina Eian at Brenda, sinabi nitong nagseselos siya ng konti sa dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pero bakla si Eian," patutsada ni Kelvin kaya naman agad itong sinaway ng isa nilang kaibigan.

"No, Kelvin don't say that ha!" ayon sa isa sa mga kasama ni Kelvin sa video.

Mataandaang naging kontrobersyal ang closeness umano nina Eian at Brenda sa loob ng Pinoy Big Brother House.

Lalo na nang mahati sa dalawang grupo ang mga housemates at nasabi pa ni Eian na nami-miss umano niya si Brenda.

Sa ngayon patuloy pa rin ang maiinit na kaganapan sa kanila sa bahay ni Kuya na may kaugnayan naman sa isa pa nilang housemate na si Alexa.

Read also

Madam Inutz, big winner para kay Chie Filomeno: "Hindi nagbago 'yung tingin ko kay Madam"

Samantala, narito ang bahagi ng video ng pahayag ni Kelvin na naibahagi sa Twitter ni Michelle Morillo:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad at Eian Rances.

Kamakailan, naging emosyonal si Eian nang ipaalam ni Kuya ang nangyari sa kanyang ama. Kasalukuyan pa rin itong nagpapagaling at siniguro naman ni Kuya na nasa maayos na kalagayan ang pamilya ni Eian.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel