Wilbert Tolentino sa pagkakaligtas ni Madam Inutz: "Deserve mo isalba kita teh Daisy Lopez"

Wilbert Tolentino sa pagkakaligtas ni Madam Inutz: "Deserve mo isalba kita teh Daisy Lopez"

- Naglabas na ng pahayag ang manager ni Madam Inutz na si Wilbert Tolentino patungkol sa pagkakasalba nito

- Naging mainit na usapan ang umano'y 64 million diamonds na ibinagdsak umano nito sa Kumu upang maisalba ang alaga

- Aniya, deserve ito ni Madam Inutz kaya na kinakitaan niya ng kabutihan bilang anak at pagharap sa mga tao

- Todo suporta talaga si Wilbert sa kanyang alaga na bago pa ito pumasok sa PBB house, binigyan pa niya ito ng pinapangarap nitong bahay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang pagkakaligtas ni Madam Inutz sa 6th eviction night ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, naglabas ng pahayag ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Nalaman ng KAMI na may kaugnayan umano ito sa sinasabing 64 million diamonds na ibinagsak nito sa Kumu bilang pagsasalba sa kanyang alaga.

Read also

PBB Benedix, pambato si Madam Inutz para maging big winner

Wilbert Tolentino sa pagkakaligtas ni Madam Inutz: "Deserve mo isalba kita teh Daisy Lopez"
Si Wilbert Tolentino kasama ang alaga niyang si Madam Inutz (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

"Deserved mo isalba kta teh Daisy Lopez. dahil mabuti kang anak at tao ka humarap," bungad ni 'Sir Wil' na sinabing siya rin mismo ang magpapalabas sa bahay ni Kuya kay Madam Inutz kung kinakitaan niya ito ng mali.

Binanggit din ni Wilbert na maging ang mga na-evict na housemates ay gusto umano si Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"FYI lahat ng Housemate na evict ay gusto si Madam. kaya ilaban mo hanggang sa dulo."

May nabanggit din ito tungkol sa fandom na pilit umanong hinahatak si Madam pababa.

"Kahit maraming fandom ng ibang Kampo ay pilit kang hinahatak ka pababa, kaya keep inspiring everyone & be true to yourself!"

May mensahe rin siya sa mga bumoto para ma-evict si Madam Inutz.

"Sa mga nag BBE kay Madam yan ay indi dahil ayaw sa kanya. dahil tinik si Madam sa Manok nila. Yan po ang TOTOO po."

Read also

Madam Inutz, hindi tanggap ang mga bad comments sa kanya: "Nanggigigil ako!"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Madam Inutz at nagkaroon ng party sa loob ng bahay ni Kuya matapos mapagtagumpayan ng housemates ang kanilang task.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel