Madam Inutz, hindi tanggap ang mga bad comments sa kanya: "Nanggigigil ako!"

Madam Inutz, hindi tanggap ang mga bad comments sa kanya: "Nanggigigil ako!"

- Tahasang sinabi ni Madam Inutz na hindi umano niya tanggap ang mga 'di magagandang komento sa kanya

- Lalo na ang komentong siya na ang bagong 'Maritess' sa loob ng bahay ni Kuya

- Aniya, nakakatuwang nakakainis ang mga 'bad comments' lalo na at hindi naman daw nalalaman ng mga tao sa labas ang totoong nangyari sa PBB house

- Isa si Madam Inutz sa mga automatic nominated ngayong linggo sa pagkatalo ng kanilang grupo sa weekly task

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi raw tanggap ni Madam Inutz ang mga bad comments at akusasyong natanggap niya.

Nalaman ng KAMI na isa rito ang pagiging 'Maritess' na raw niya sa bahay ni Kuya at hindi diretsahan at harapang sinasabi ang mga komento sa kapwa niya housemates.

Unang pinuna sa kanya ang umano'y panggigigil niya sa mga bagets na kasama niya sa bahay.

Read also

Zeinab Harake, nilamig nang husto sa kanyang birthday photoshoot; "ikamamatay ko ang lamig!"

Madam Inutz, hindi tanggap ang mga bad comments sa kanya: "Nanggigigil ako!"
Madam Inutz (Photo From Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Tinawanan lamang niya ito at sinabing 'true' naman ang komento.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit nang basahin na ni Alyssa ang komentong isa siyang 'Maritess,' aminado si Madam Inutz na hindi niya ito nagustuhan.

"Pinakikinggan ko kasi ang bawat isa rito, pero nagiging quiet ako. Pero hindi ako si gano'n," paliwanag ni Madam Inutz.

Nang kausapin naman siya ni Kuya sa confession room, inamin nitong nanggigigil siya sa mga komentong natanggap niya.

"Hindi lang talaga alam ng tao sa labas kung ano ang nangyayari rito sa loob"

"'Yung Maritess kuya parang hindi ako 'yun. Nakakatawang nakakainis kuya. Sana pala pinili ko yung goods. Kumbaga nainis lang din ako kahit hindi totoo," paliwanag ni Madam Inutz.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Janus Del Prado, may payo sa mga magulang: "'Di kayo nag-anak para i-ahon kayo sa hirap"

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Madam Inutz at nagkaroon ng party sa loob ng bahay ni Kuya matapos mapagtagumpayan ng housemates ang kanilang task.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel