Janus Del Prado, may payo sa mga magulang: "'Di kayo nag-anak para i-ahon kayo sa hirap"

Janus Del Prado, may payo sa mga magulang: "'Di kayo nag-anak para i-ahon kayo sa hirap"

- Naging emosyonal si Janus Del Prado nang isapubliko niya ang kalagayan ng relasyon niya ngayon sa kanyang pamilya

- Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz naikwento nito ang naranasan niya kamakailan nang pumisan siya muli sa kanyang ina at kapatid

- Ito ay dahil isa siya sa mga tinamaan ng pandemya na pati ang pambayad niya sa sariling tirahan ay prinoblema niya

- Dahil dito, binigyan niya ng payo ang ibang mga magulang na huwag umanong itulad sa kanya ang kanilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naluluhang naglabas ng sama ng loob si Janus Del Prado sa pinakabagong panayam sa kanya ni Ogie Diaz.

Nalaman ng KAMI na buong tapang na ibinahagi ni Janus ang kanyang naranasan kamakailan nang pumisan siya muli sa kanyang pamilya.

Amiando si Janus na isa umano siya sa mga naapektuhan ng pandemya na maging ang pambayad niya sa kanyang tirahan ay kanya nang pinroblema.

Read also

Bulag, buwis-buhay na nangunguha ng kawayang gagawing alkansya para mailako

Janus Del Prado, may payo sa mga magulang: "'Di kayo nag-anak para i-ahon kayo sa hirap"
Janus Del Prado, (@janusdelprado)
Source: Instagram

Sa kabila ng alok ng isang nagmalasakit niyang kaibigan na doon muna tumira pansamantala, nauwi pa rin siya sa pagpisan sa kanyang pamilya kahit ramdam niyang ayaw daw talaga ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon, marami siyang mga bagay na pagtanto at isa na rito ay ang kalagayan niya ngayon at noon.

"Nung ako naman ang breadwinner, wala naman silang nadidinig sa akin," ani Janus na nagsimula bilang isang child star.

Dahil dito, pinayuhan niya ang ibang mga magulang na huwag itulad sa kanya ang kani-kanilang mga anak.

"Sa mga magulang ah, hindi rason ang pag-aanak na kaya kayo nag-anak e para maiahon kayo sa kahirapan. Responsibilidad niyo yan bilang magulang na sustentuhan niyo ang mga anak niyo"
"Kung gustong magtrabaho ng anak niyo bilang artista o ano, dapat extra-curricular activity lang nila 'yun."

Read also

Janus Del Prado, pinasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya na makalipat na ng tirahan

"Huwag niyong itutulad 'yung anak niyo sa'kin na by the time mahawakan ko 'yung pera ko, nung 21 na ako, e wala na akong perang hahawakan kasi wala namang naipon dun sa mga kinita ko"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Janus Del Prado na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Matatandaang sa unang panayam sa kanya ni Ogie Diaz, idinetalye ni Janus ang mga cryptic post niya noon na bahagi lamang umano ng pagtatanggol niya sa kanyang mga kaibigan partikular na kay Bea Alonzo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel