Janus Del Prado, kailanma'y 'di raw siniraan si 'J': "Sobrang taas ng respeto ko sa erpats niya"

Janus Del Prado, kailanma'y 'di raw siniraan si 'J': "Sobrang taas ng respeto ko sa erpats niya"

- Maraming pasabog si Janus Del Prado sa naging panayam sa kanya ni Ogie Diaz

- Hindi man niya diretsahang napapangalanan ang mga taong nababanggit, tila madali naman itong nakukuha lalo na ng mga nakasubaybay sa isyu

- Isa na rito ang pagkaklaro ni Ogie kung kailanman nga ba ay hindi siniraan ni Janus ang binansagan niyang si 'J'

- Diretso naman itong sinagot ni Janus na hindi lalo pa at mataas umano ang respeto nito sa ama ng aktres na minsan na rin niyang nakakasama

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Janus Del Prado, naitanong nito kung kailanman nga ba ay hindi niya nabanggit o lalo na ang siraan ang aktres na binansagan niya ng 'J.'

Nalaman ng KAMI na diretsahan itong sinagot ni Janus na "hindi talaga" at wala umano siyang mensahe para rito.

Read also

Janus Del Prado, nagsising dinepensahan pa noon ang tinawag niyang si 'G'; "I feel so betrayed"

Janus Del Prado, kailanma'y 'di raw siniraan si 'J': "Sobrang taas ng respeto ko sa erpats niya"
Janus Del Prado (Photo credit: @janusdelprado)
Source: Instagram

Ngunit nabanggit ni Janus ang respeto umano niya sa ama ni 'J' dahil sa kabaitang ipinakita nito sa kanya.

"Ang masasabi ko lang is, o ayan hindi ko nalang papangalanan, pero sobrang naging mabait sakin ang erpats niya. 'Yun nalang ang basehan ko"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sabihin nating magsalita siya ng something in defense of 'G', tatanggapin ko 'yun dahil sobrang taas ng respeto ko sa erpats niya" sinserong pahayag ni Janus.

Ikinuwento pa niya ang pagkakataong nakakasama niya noon ang tinutukoy na ama ni 'J' na pinaniniwalaan ng marami na si Dennis Padilla.

"Never akong nakaramdam sa tatay niya ng ah, artista ako senior mo 'ko, hindi mo ako pwedeng kausapin ng ganyan, mga kabiruan ko lang mga kasabayan ko, hindi."
"'Pag nakabiruan mo 'yun nakakatawa nga e. Nung magkakasama ako, erpats niya si DJ akala mo magkaka-edad kami e," pagbabalik tanaw ni Janus.

Read also

Janus Del Prado, 'di magso-sorry sa naidamay niyang si 'P'; "Yun yung totoo e"

Kaya naman maging si Janus ay aminadong nalulungkot sa tuwing may hindi magandang balita na nailababas tungkol sa 'erpats' ni 'J'.

Mapapanood ang kabuuan ng panayam kay Janus sa Ogie Diaz YouTube channel:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Sa eksklusibong panayam ni Ogie Diaz kay Janus, diretsahang sinabi nito na wala umano siyang dapat na ihingi ng sorry sa sinoman ang kanyang nadawit sa mga naging pasabog niya sa mga social media post.

Naikwento rin ng aktor kung paano siya pahalagahan ng iba pa niyang mga kaibigan tulad nina Paulo Avelino at Angel Locsin.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel