Janus Del Prado, nagsising dinepensahan pa noon ang tinawag niyang si 'G'; "I feel so betrayed"

Janus Del Prado, nagsising dinepensahan pa noon ang tinawag niyang si 'G'; "I feel so betrayed"

- Nagsisisi umano ngayon si Janus Del Prado na nagawa pa niyang depensahan ang tinatawag niyang si 'G'

- Ito ay kaugnay sa umano'y sinasabi niyang 'pinatay na isyu' na namagitan kina 'G' at 'P'

- Aniya, pakiramdam niyang siya rin ay naloko gayung itinuturing din niyang kaibigan ang binansagang si 'P' ngunit hindi nga lang kasing close ng pagkakaibigan nila ni 'B'

- Hindi man daw diretsahang pangalanan ni Janus ang mga binabanggit madaling nahahagip ito ng mga netizens lalo na at matagal nang ipinagtatanggol ng aktor ang kaibigang si Bea Alonzo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Diretsahang sinabi ni Janus Del Prado na mayroong 'magic at milagro' noon na naganap sa pagitan ng binansagan niyang si 'G' at naging leading lady nito na si 'P.'

Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, kinumpirma nito ang isyu na pinatay lamang noon kaya hindi masyadong napag-usapan.

Read also

Janus Del Prado, kailanma'y 'di raw siniraan si 'J': "Sobrang taas ng respeto ko sa erpats niya"

Janus Del Prado, nagsising dinepensahan pa noon ang tinawag niyang si 'G'; "I feel so betrayed"
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

"May magic at milagro pa lang nangyayari between G and P," pagbubunyag ni Janus.

Hindi man daw niya alam ang detalye ngunit pakiramdam niya'y naloko rin siya ng kaganapang iyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"I feel so ano, betrayed. Kaibigan ko rin si 'P' pero hindi kasing close ng pagkakaibigan ko kay 'B'"

Naikwento pa ni Janus na mag-best friend pa umano ang tinatawag niyang si 'P' sa close friend niya na alam naman ng publiko na si Bea Alonzo ang tinutukoy nitong si 'B.'

Kaya naman isa pa muli sa ipinamukha ni Janus sa pinasasaringan niyang si 'G' na nakasira pa umano ito ng pagkakaibigan ng dalawa.

"Nakasira ka ng relationship ng mag-best friend na simula nung nagstart sila sa showbiz. Hindi ka ba nakokonsensya noon? Tapos mag-e-emote emote ka na parang biktima ka"

Read also

Janus Del Prado, 'di magso-sorry sa naidamay niyang si 'P'; "Yun yung totoo e"

Labis niyang pinagsisihan na nagawa pa umanong ipagtanggol ni Janus si 'G' kay 'B' at kahit hindi pa man niya raw ito naihihingi ng sorry ng berbal, alam niyang madali na siyang napatawad ng kaibigan.

"Alam naman niya na hindi naman sinasadya na ipagtanggol kasi wala talaga kaming alam. Alam namin, ibang katotohanan, iba pala ang nagaganap"

Sinabi pa ni Janus na mismong ang kaibigan pa ang nakapagkumpirma sa kanila ng umano'y kalokohan ni 'G' sa kanya noon pa man.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Janus na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube Channel:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Read also

Janus Del Prado, isiniwalat ang pagbabayad ni Angel Locsin ng kanyang hospital bill

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Janus, naikwento rin ng aktor kung paano siya pahalagahan ng iba pa niyang mga kaibigan tulad nina Paulo Avelino at Angel Locsin.

Diretsahan ding nasabi ni Janus sa naturang panayam na wala umano siyang hihingan ng sorry sa mga naibagsak niyang initials sa isyu.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel