Janus Del Prado, 'di magso-sorry sa naidamay niyang si 'P'; "Yun yung totoo e"

Janus Del Prado, 'di magso-sorry sa naidamay niyang si 'P'; "Yun yung totoo e"

- Naitanong ni Ogie Diaz kay Janus Del Prado kung mayroon ba itong dapat na ihingi ng sorry

- Diretsahang sinabi ni Janus na wala naman umano siyang dapat ihingi ng sorry maging sa sinasabi ng netizen na si 'P' na umano'y naidamay pa nito sa isyu

- Ayon ka Janus, nagsasabi lamang siya ng katotohanan at ang nasabi ay base sa umano'y totoong nangyari

- Nilarawan niya ito na may 'magic at milagrong' nangyayari noon sa tinawag niyang sina 'G' at 'P'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Wala raw dapat na ihingi ng sorry si Janus Del Prado kaninoman matapos na matanong siya ni Ogie Diaz sa ikalawang bahagi ng interview niya sa kontrobersyal na aktor.

Nalaman ng KAMI na sa pahayag ni Ogie kay Janus, nabigyang linaw ang ilan sa mga maanghang na isyu mula sa mga matatapang na Instagram post ni Janus.

Read also

Janus Del Prado, kailanma'y 'di raw siniraan si 'J': "Sobrang taas ng respeto ko sa erpats niya"

Nasabi na ni Janus na kaya lamang niya ito nagagawa ay dahil sa pagmamalasakit sa kaibigang naagrabyado dahil iyon lamang ang kaya niyang maibigay sa kabutihan ng mga ito sa kanya.

Janus Del Prado, 'di magso-sorry sa naidamay niyang si 'P'; "'Yun yung totoo e"
Janus Del Prado (Photo credit: @janusdelprado)
Source: Instagram

Subalit sa pagtatanggol na ito ni Janus, lumabas pa ang initial na 'P" na umano'y nasangkot din sa tinawag niyang 'G' na nagkasama sa pelikulang may initials naman na 'MPY.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinasabi tuloy ng mga tao na tila nadamay pa ang nananahimik nang si 'P' sa isyu ng kaibigan ni Janus at ng dati nitong kasintahan na tinawag ng aktor na 'G'.

Kaya naman diretsahang sinabi ni Janus na hindi raw siya magso-sorry maging kay 'P' gayung pawang katotohanan lamang umano ang kanyang mga naisiwalat.

"I guess, parehas lang sila ng lebel ng kasalanan. Aware naman siya na boyfriend yun nung kaibigan niya, kailangan ko bang ihingi ng sorry 'yun?" paliwanag ni Janus.

Read also

Janus Del Prado, nagsising dinepensahan pa noon ang tinawag niyang si 'G'; "I feel so betrayed"

Para kay Janus, tanging sa kaibigan niyang 'B' lamang siya hihingi ng sorry sa isyung ito.

"Kasi nung time na 'yun na kailangang kailangan niya kami for answers kasi feeling niya baka napapraning lang ako, wala kami para sa kanya, hindi pa namin siya kinampihan"

Narito ang kabuuan ng part 2 ng pahayag ni Janus na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Sa unang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Janus, naikwento rin ng aktor kung paano siya pahalagahan ng iba pa niyang mga kaibigan tulad nina Paulo Avelino at Angel Locsin.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel