Janus Del Prado, pinasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya na makalipat na ng tirahan

Janus Del Prado, pinasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya na makalipat na ng tirahan

- Pinasalamatan ni Janus Del Prado ang mga taong tumulong sa kanya para makalipat na siya sa bagong matitirahan

- Ito ay matapos niyang aminin na isa siya sa mga naapektuhan ng pandemya na pati ang pambayad niya sa dating tirahan ay naging problema niya

- Tumira siya pansamantala sa kasama ang kanyang pamilya ngunit ramdam umano niyang ayaw siyang naroon lalo na ng kanyang kapatid

- Hindi raw inaasahan ni Janus ang mga tulong na natanggap niya at isa na rito ay ang kanya na ngayong manager na si Ogie Diaz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpasalamat si Janus Del Prado sa mga taong tumulong sa kanya para makahanap na siya ng bagong matitirahan.

Nalaman ng KAMI na matapang na inamin ni Janus sa papanayam sa kanya ni Ogie Diaz na isa siya umano sa mga labis na naapektuhan sa ikalawang beses na malagay sa enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Read also

Janus Del Prado, may payo sa mga magulang: "'Di kayo nag-anak para i-ahon kayo sa hirap"

Janus Del Prado, pinasalamatan ang mga taong tumulong sa kanya na makalipat na ng tirahan
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

Naranasan niyang magkaproblema umano sa mga bayarin at isa na rito ay ang dati niyang tirahan.

Dahil dito, napilitan siyang manirahan kasama ang kanyang pamilya subalit naramdaman niyang ayaw daw siyang makasama lalo na ng kanyang kapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman malaking bagay na natulungan siya ng kanya na ngayong manager na si Ogie Diaz na siyang punong-abala sa paglilipat sa bagong matitirahan ni Janus.

Maging ang aktres na si Dimples Romana at mister nitong si Boyet ang nag-asikaso sa paglilipat ng mga gamit ni Janus.

Bukod sa mga malalapit na kaibigan ni Janus sa showbiz, nagulat din ito nang matulungan siya ng mga fans niya abroad na nakalikom ng halagang ipinadala sa kanya.

"'Di ko alam may fans pala ako sa ibang bansa, nagkumpol-kumpol sila para magpadala sa GCash ko para matulungan daw akong makalipat"

Read also

Janus Del Prado sa pamilya: "Ayaw nila ako doon in general"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Janus na mapapanood sa Ogie Diaz YouTube channel:

Dating contract artist ng Star Magic si Janus Del Prado. Nagkasama sila ng ipinagtatanggol niyang kaibigan na si Bea Alonzo sa ilang mga pelikula tulad ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007. Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013.

Matatandaang sa unang panayam sa kanya ni Ogie Diaz, idinetalye ni Janus ang mga cryptic post niya noon na bahagi lamang umano ng pagtatanggol niya sa kanyang mga kaibigan partikular na kay Bea Alonzo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel