Zeinab Harake, nilamig nang husto sa kanyang birthday photoshoot; "ikamamatay ko ang lamig!"

Zeinab Harake, nilamig nang husto sa kanyang birthday photoshoot; "ikamamatay ko ang lamig!"

- Hindi napigilan ni Zeinab Harake na mapasigaw sa lamig na inabot niya para sa birthday photoshoot niya ngayong taon

- Aminado si Zeinab na ginawin siya kaya naman nang kinailangan niyang malublob nang bahagya sa tubig, gininaw talaga siya

- Nagbiro pa siyang pinangarap daw niyang maging sirena ngunit tila nagbago na ang kanyang isip

- Bukod sa bonggang birthday photoshoot niya, bongga rin ang kanyang birthday celebration na ngayo'y kasama na nila ang kanyang si Baby Bia

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Talagang gininaw daw nang husto si Zeinab Harake sa birthday photoshoot niya sa taong ito.

Nalaman ng KAMI na bahagi ng kanyang photoshoot ang mababad siya nang bahagya sa tubig.

Pagtuntong pa lang ni Zeinab sa set, napasigaw na agad ito ng "Ang lamig!"

Zeinab Harake, nilamig nang husto sa kanyang birthday photoshoot; "ikamamatay ko ang lamig!"
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

Aminado ang YouTube Star na talagang lamigin siya kaya naman hindi niya agad nagawang mag-pose para sa naturang bahagi ng shoot.

Read also

Alexa kay Brenda: "Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit kinaya niya pa rin ito at napakaganda pa rin ng kinalabasan nito.

Hinamon pa niya ang mga kasama nila sa set na subukan ang kanyang ginagawa na hindi raw umano madali.

Bukod sa bonggang photoshoot, talagang bongga rin ang kanyang birthday celebration lalo na ngayong taon kung saan unang nakasama na nila ang kanilang baby ni Skusta Clee na si Baby Bia.

Samantala, narito ang kabuuan ng mga kaganapan sa kanyang photoshoot:

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger at YouTube Star sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11.4 million subscribers bukod pa sa milyon-milyon niyang followers sa iba pa niyang social media page.

Isa na ngayon sa mga pinakaabangang vlog ng kanyang mga subscribers ay ang buwanang photoshoot ng kanyang anak na si Baby Bia.

Read also

Bulag, buwis-buhay na nangunguha ng kawayang gagawing alkansya para mailako

Sa tuwing magdiriwang kasi ito ng monthsary, iba't-ibang Disney Princess ang ibinibihis sa kanya ng kanyang Mommy Zeinab.

Nito lamang nakaraang buwan, mismong ang kanyang Daddy Skusta Clee ang naging photographer ni Baby Bia.

Bukod sa labis na pagiging mapagmahal sa pamilya at pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan.

Matatandaang umabot sa tumataginting na Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel