Alexa kay Brenda: "Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada”

Alexa kay Brenda: "Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada”

- Binigyan ni Alexa Ilacad ng isang puntos si Brenda sa kanilang harapang nominasyon ngayong linggo

- Ito ay dahil sa napag-alaman niyang siya raw ang laging topic nito sa pakikipag-usap sa ibang housemates

- Nakarating din umano sa kanya na tinawag siya nitong 'tanga' at 'desperada'

- Kay Jordan naman binigay ni Laexa ang kanyang dalawang puntos dahil nalaman din niya ang 'exaggeration' na umano'y nagagawa nito pag naikwento na sa iba ang pahayag ni Alexa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matindi ang mga naging kaganapan sa kauna-unahang harapang nominasyon na naganap sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Nalaman ng KAMI na si Alexa Ilacad ang unang housemate na nagbigay ng puntos sa kanyang mga nominado para ma-evict sa bahay ni Kuya.

Alexa kay Brenda: "Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada”
Alexa Ilacad (@alexailacad)
Source: Instagram

Una niyang binanggit ang binigyan niya ng isang puntos at ito ay si Brenda Mage.

Read also

Zeinab Harake, nilamig nang husto sa kanyang birthday photoshoot; "ikamamatay ko ang lamig!"

Paliwanag ni Alexa, nakarating sa kanya ang mga hindi magagandang sinasabi nito patungkol sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Binibigyan ko ng 1 point si Brenda, dahil nalaman ko na ako pala lagi ang topic ng usapan nila"

Ang masaklap pa umano, natatawag na siya nito ng mga masasakit na salita.

"Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada," dagdag pa ni Alexa na nag-sorry kay Brenda habang idinidikit niya ang ribbon na nagpapakita kung ilang puntos ang binigay sa housemate.

Samantala, ang dalawang punto naman ni Alexa ay binigay niya kay Jordan dahil sa 'exaggeration' na umano'y nagagawa nito kapag naikikwento na niya sa iba ang mga nasasabi sa kanya ni Alexa.

Mapapanood ang kabuuan ng harapang nominasyon sa Kapamilya Online live:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Eian Rances, nakiusap kay Alexa Ilacad na mag-guest sa live niya

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad at Eian Rances.

Samantala, naging kontrobersyal naman ang pahayag ng nobyo ni Brenda Mage na umaming nagseselos ng konti kay Eian Rances.

Matatandaang nabanggit ni Eian na nami-miss niya si Brenda nang mahati sa dalawang grupo ang mga housemates noong nakaraang linggo.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel