Eian Rances, nakiusap kay Alexa Ilacad na mag-guest sa live niya

Eian Rances, nakiusap kay Alexa Ilacad na mag-guest sa live niya

- Matapos ang naganap niyang live streaming, nakaramdam si Eian Rances ng pangamba sa mga fans ni Alexa Ilacad

- Kaya naman nakiusap siya sa aktres kung pwede umano itong mag-guest sa kanyang live sa social media

- Agad namang umu-o si Alexa at ibinida niyang supportive naman ang kanyang mga fans

- Matatandaang naging usap-usapan ang tensiyon na namagitan sa kanila matapos komprontahin ni Alexa si Eian kaugnay sa pagtabig nito sa kanya nang sinubukan ni Alexa na i-comfort siya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang video na kuha sa loob ng Pinoy Big Brother house, makikita ang tagpo kung saan nakiusap si Eian Rances kay Alexa Ilacad na mag-guest ang aktres sa kanyang live. Kinakatakot ni Eian ang magiging reaksiyon ng fans ni Alexa lalo at mayroong hindi magandang nangyari kamakailan.

Eian Rances, nakiusap kay Alexa Ilacad na mag-guest sa live niya
Pinoy Big Brother House (Photo from Flickr)
Source: UGC

Matatandaang naging usap-usapan ang tensiyon na namagitan sa kanila matapos komprontahin ni Alexa si Eian kaugnay sa pagtabig nito sa kanya nang sinubukan ni Alexa na i-comfort siya.

Read also

Angeline Quinto, limang buwan nang buntis ayon kay Ogie Diaz

Sa kanilang unang pag-uusap, sinabi ni Eian na hindi umano tama ang timing ni Alexa nang i-comfort siya nito. Umasa umano sana si Alexa na humingi man lang ng dispensa si Eian sa kanya.

Aniya ay pakiramdam niya ay hindi niya deserve yung ginawa sa kanya ni Eian. Minabuti niyang tanungin si Eian tungkol sa nangyari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Habang tumatagal daw, napagtatanto niyang hindi talaga match ang personality nila ni Alexa. Hindi niya na umano alam kung kelan ito naging totoo.

Napatanong tuloy si Alexa kung iniisip ba nito na ginagamit lang siya ng aktres para magkaroon siya ng loveteam sa loob ng bahay.

Matapos sabihin ang nais niyang sabihin ay tumayo na at umalis si Eian kahit kinakausap pa ito ng aktres.

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailanagan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Read also

Karen Bordador, naghayag ng kanyang suporta kay Alexa Ilacad

Matatandaang naging isa sa trending topic ang naging asal ni Justin Dizon kay Jie-Ann noong nakaraang season ng Pinoy Big Brother.

Samantala, Bago ang eviction nila ni TJ, nauna nang na-evict si Kyle Echarri.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel