Karen Bordador, naghayag ng kanyang suporta kay Alexa Ilacad

Karen Bordador, naghayag ng kanyang suporta kay Alexa Ilacad

- Sa isang tweet, pinakita ni Karen Bordador ang kanyang suporta sa kapwa housemate niyang si Alexa Ilacad

- Ibinahagi niya ang screenshot na kuha sa kaganapan sa loob ng 'Pinoy Big Brother' house kung saan nakayakap siya kay Alexa

- Aniya, ito ang kanyang pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa kanyang Baby Alexa sa gitna ng mga bashing

- Matatandaang naging usap-usapan ang pag-uusap nina Alexa at Eian Rances kamakailan kung saan nag-walkout si Eian

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakalabas man ng bahay ni Kuya matapos niyang mapsali sa double eviction nitong nakaraang Linggo, patuloy na pinakikita ni Karen Bordador ang kanyang pagsuporta sa kanyang kapwa housemate na si Alexa Ilacad.

Karen Bordador, naghayag ng kanyang suporta kay Alexa Ilacad
Pinoy Big Brother House (Photo from Flickr)
Source: UGC

Sa isang tweet ay binahagi ni Karen ang picture nila kung saan nakayakap siya kay Alexa. Kuha ito sa loob ng bahay ni Kuya.

Read also

Alexa Ilacad, diretsahang kinompronta si Eian sa pagtabig nito sa kanya

Aniya, ito ang kanyang pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa kanyang Baby Alexa sa gitna ng mga bashing. Matatandaang naging usap-usapan ang pag-uusap nina Alexa at Eian Rances kamakailan kung saan nag-walkout si Eian.

Isa din siya sa nagtanggol kay Alexa kaugnay sa pahayag ni Eian na pakiramdam niya ay ginagamit lang siya ni Alexa para magkaroon ng love team. Ani Karen, walang ginagamit si Alexa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang pagtatanggol na ito ni Karen kay Alexa kahit hindi ito nakaharap.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens sa kanyang tweet.

Kala ko po nakalimutan niyo na c Alexa huhu..We love you karen for taking good care of our lodi inside sa "Bahay ni Kuya" and sa pagiging totoo mo po. We support you!

Read also

Rob Moya, todo-pasalamat kay Toni Fowler dahil sa pagtulong nito sa kanya

Awww ramdam po namin ang pagmamahal mo kay alexa, ate karen Pleading faceWhite heart so genuine
I really admire your personality. Napaka postive lng

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailanagan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Matatandaang naging isa sa trending topic ang naging asal ni Justin Dizon kay Jie-Ann noong nakaraang season ng Pinoy Big Brother.

Samantala, Bago ang eviction nila ni TJ, nauna nang na-evict si Kyle Echarri.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel