Alexa Ilacad, diretsahang kinompronta si Eian sa pagtabig nito sa kanya

Alexa Ilacad, diretsahang kinompronta si Eian sa pagtabig nito sa kanya

- Matapos ibahagi ni Alexa sa ibang kasamahan na sumama ang loob niya matapos siyang tabigin ni Eian Rances, minabuti niyang kausapin ito

- Ayon kay Eian, sadyang wala umano sa timing ang pag-comfort sa kanya ni Alexa kaya ganoon ang kanyang reaksiyon

- Dagdag pa niya, hindi na niya alam kung kailan totoo si Alexa at napag-isip-isip niyang hindi talaga umano tugma ang kanilang personalidad

- Matapos sabihin ang nais niyang sabihin ay tumayo na at umalis si Eian kahit kinakausap pa ito ng aktres

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Usap-usapan ang naging pag-uusap ng Pinoy Big Brother housemates na sina Alexa Ilacad at Eian Rances kaugnay sa pagtabig ni Eian kay Alexa nang subukan nitong i-comfort si Eian kamakailan.

Alexa Ilacad, diretsahang kinompronta si Eian sa pagtabig nito sa kanya
Pinoy Big Brother House (Photo from Flickr)
Source: UGC

Ayon kay Eian, hindi umano tama ang timing ni Alexa nang i-comfort siya nito. Umasa umano sana si Alexa na humingi man lang ng dispensa si Eian sa kanya.

Read also

Rob Moya, todo-pasalamat kay Toni Fowler dahil sa pagtulong nito sa kanya

Aniya ay pakiramdam niya ay hindi niya deserve yung ginawa sa kanya ni Eian. Minabuti niyang tanungin si Eian tungkol sa nangyari.

Aniya, habang tumatagal, hindi talaga match ang personality nila ni Alexa. Hindi niya na umano alam kung kelan ito naging totoo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napatanong tuloy si Alexa kung iniisip ba nito na ginagamit lang siya ng aktres para magkaroon siya ng loveteam sa loob ng bahay.

Matapos sabihin ang nais niyang sabihin ay tumayo na at umalis si Eian kahit kinakausap pa ito ng aktres.

Ayon naman kay Eian, napagod na siya dahil wala namang point sa pag-uusap nila ni Alexa.

Sa kabila nito marami pa rin ang nagpahayag ng suporta kay Alexa:

Alexa is such a strong person. Di ko kaya ung nangyayari sa kanya sa loob. And i admire her how she take and act to her situation. Bless you more.

Read also

Rob Moya, kinumpirmang hiwalay na sila ng girlfriend na si Jen

Grabeeeh. Alexa is so strong!! If I were in her shoes, umiyak na ako sa sobrang sama ng loob. To think na she really cares for E. I’m sure it broke her heart
I thought okay sila nang mag-usap because they were smiling, yun pala she's hurting. I still admire ate alexa kasi casual pa rin siya kay kuya eian kanina sa livestream, kinausap pa rin niya at acting civil kahit na ganyan pala nangyari. Keep fighting ate lex!

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailanagan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Matatandaang naging isa sa trending topic ang naging asal ni Justin Dizon kay Jie-Ann noong nakaraang season ng Pinoy Big Brother.

Samantala, Bago ang eviction nila ni TJ, nauna nang na-evict si Kyle Echarri.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel