Angeline Quinto, limang buwan nang buntis ayon kay Ogie Diaz

Angeline Quinto, limang buwan nang buntis ayon kay Ogie Diaz

- Sa YouTube channel ni Ogie Diaz na Showbiz News Update, kinumpirma niya ang tungkol sa balitang buntis umano si Aneline Quinto

- Ayon umano sa common friend nila ng singer, limang buwan nang nagdadalang-tao si Angeline sa kanyang non-showbiz boyfriend

- Ayon pa sa nakarating na balita kay Ogie, lalaki umano ang kasarian ng pinagbubuntis ni Angge

- Kasalukuyang nasa Dubai ang mang-aawit para mag-perform sa Expo 2020

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos lumabas ang balitang buntis umano si Angeline Quinto, kinumpima ng showbiz reporter na si Ogie Diaz ang tungkol dito. Gayunpaman, nilinaw niyang limang buwan na ang pinagbubuntis ni Angge.

Angeline Quinto, limang buwan nang buntis ayon kay Ogie Diaz
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

Taliwas ito sa unang lumabas na mga bali-balitang tatlong buwan umanong buntis ang mang-aawit.

Mayroon umano silang common friend ni Angge at ayon sa kanyang source ay lalaki umano ang gender ng baby ni Angge sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Read also

Nagpakilalang pulis na umano'y nagbanta kay Sachzna Laparan, tukoy na

Matatandaang nauna nang inamin ni Angeline ang tungkol sa non-showbiz boyfriend niya na aniya ay nagpapasaya sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

“Meron po talaga at isa yan sa nagpapasaya sa akin. Walang kasing saya, napakasaya po talaga,” pag-amin niya habang nasa media conference para sa kanyang 10Q concert na ginanap noong October 2021.

Inamin niya rin ito sa kanyang guesting sa vlog ni Karen Davila kamakailan kung saan pinuntahan siya nito sa mismong bahay niya. Gayunpaman, hindi na niya isinapubliko ang pagkakakilanlan ng lalaking nagpapasaya sa kanya.

Samantala, kasalukuyang nasa Dubai ang mang-aawit para mag-perform sa Expo 2020. Excited umano siya na makapag-perform sa harap ng live audience dahil halos dalawang taon din niyang hindi ito naranasan dahil sa pandemya.

Si Angeline Quinto ay isa sa pinaka-sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang sumikat sa mundo ng entertainment at music scene nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Read also

Maymay Entrata, kinuwento kung pano siya inirapan ng isang artista noong baguhan siya

Isa din si Angeline sa mga sikat na personalidad na pumasok na sa paggawa ng YouTube videos nang magkaroon ng pandemya. Kinaaliwan ang kanyang pagiging natural na palabiro at komedyante.

Kabilang sa kanyang mga pumatok na vlogs ay ang kanyang pakikipag-collab sa Beks Battalion. Nagkaroon din siya ng video kasama si Chad Kinis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel