Maymay Entrata, kinuwento kung pano siya inirapan ng isang artista noong baguhan siya

Maymay Entrata, kinuwento kung pano siya inirapan ng isang artista noong baguhan siya

- Sa kanilang mukbang sa YouTube channel ni Mimiyuuuh hindi inatrasan ni Maymay Entrata ang ilan sa mga nakakaintrigang tanong

- Kabilang sa naitanong sa kanya ay kung mayroon daw ba siyang bad experience sa isang artista

- Hindi naman niya umano maituturing na bad iyon ngunit tiningnan umano siya ng di pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya

- Naganap umano ito noong kakalabas pa lamang niya sa Pinoy Big Brother nang pumunta siya sa ASAP upang makita ang mga artista

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi naman umano itinuturing ni Maymay Entrata na bad experience ang dinanas niya nang pumunta siya sa ASAP nang baguhan pa lamang siya at kakalabas pa lamang niya sa Pinoy Big Brother house.

Maymay Entrata, kinuwento kung pano siya inirapan ng isang artista noong baguhan siya
Maymay Entrata (@maymay)
Source: Instagram
“Uy buti na lang wala. Pero hindi naman yun bad experience talaga na sinigawan ako or minalditahan ako. It’s more like yung tingin sa akin. Kasi di ba kakalabas ko lang ng PBB tapos sobrang excited ako makita yung iba’t ibang artista. Pumunta ako sa ASAP Natin ‘To tapos nagpa-picture ako sa mga artista tapos itong isa, gusto ko sana magpa-picture. Bago ako magpa-picture ginanito niya ako ‘day "

Read also

PBB Eian sa nararamdaman niya kay TJ: "Hindi ko talaga gusto"

Ito ang naging tugon ni Maymay sa katanungan ni Mimiyuuuh kung meron siyang bad experience sa celebrity. Hindi naman niya umano maituturing na bad iyon ngunit tiningnan umano siya ng di pinangalanang artista mula ulo hanggang paa at inirapan pa siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Maymay Entrata o si Marydale Entrata sa tunay na buhay ay isang actress, singer, television host, at model. Sumikat siya matapos siyang tanghaling big winner sa Pinoy Big Brother: Lucky 7.

Naging talent siya ng Star Magic matapos siyang manalo sa PBB. Bumida siya sa romantic comedy film na Loving in Tandem (2017). Ilan pa sa mga pelikulang kinabilangan niya ay Da One That Ghost Away at Hello, Love, Goodbye. Naging bahagi din siya ng seryeng La Luna Sangre (2017) at Hiwaga ng Kambat (2019).

Read also

Jonel Nuezca, posibleng cardiac arrest ang ikinamatay base sa initial findings

Si Maymay ang unang Filipina na makasali sa Arab Fashion Week.

Kamakailan ay nakiusap si maymay na tigilan na ang pagpapapakalat ng fake news sa kanila ni Donny Pangilinan. Pinabulaanan niya ring naging karelasyon niya si Edward Barber.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel