Nagpakilalang pulis na umano'y nagbanta kay Sachzna Laparan, tukoy na

Nagpakilalang pulis na umano'y nagbanta kay Sachzna Laparan, tukoy na

- Bilang follow-up sa unang video tungkol sa paghingi ng tulong ni Sachzna Laparan kaugnay sa isang nagpakilalang pulis na umano'y nanakot sa kanya, nakuha ng RTIA ang detalye ng lalaki

- Ayon sa impormasyong kanilang nakalap, hindi talaga iyon totoong pulis at isa umano itong security guard at nagtatrabaho din bilang bodyguard sa mga VIP

- Ayon pa kay Idol Raffy, ayon sa kanilang impormante ay hindi nito asawa ang kasama niya sa binahaging video ni Sachzna

- Matatandaang nag-viral ang video ni Sachzna na kuha sa isang restaurant kamakailan kung saan may nakasagutan siyang lalaki na aniya ay nagpakilalang pulis

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos ang ilang araw mula nang ma-ere ang paghingi ng tulong ng vlogger na si Sachzna Laparan, nagbigay ng update ang Raffy Tulfo in Action. Kaugnay ito sa isang lalaking umano'y nagpakilalang pulis at nakasagutan nina Sachzna.

Read also

PBB Karen, 'di napigilang maglabas ng saloobin kay TJ: "Nakaka-bad trip talaga"

Nagpakilalang pulis na umano'y nagbanta kay Sachzna Laparan, tukoy na
Sachzna Laparan (@sachzna)
Source: Instagram

Ayon umano sa dalawang impormante ng RTIA, hindi umano ito pulis. Nagtatrabaho umano ito bilang security guard at body guard sa ilang mga VIP.

Nais umano sana makuha ng RTIA ang panig ng naturang lalaki ngunit hindi na umano ito nagsalita.

Nabanggit din ni Idol Raffy na ayon sa impormante ay hindi nito asawa ang kasama niya sa video noong sila ay nasa restaurant.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para naman kay Sachzna, nais na lamang umano niyang makausap ang lalaki upang magkaroon na ng closure ang isyu. Aniya, gusto na lamang niyang matapos ang gulo at nang matanggal na rin ang pangamba niya para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.

Siniguro naman ni Idol Raffy na siya na ang bahala pagdating sa bagay na ito. Kakalap pa umano sila ng karagdagang impormasyon tungkol sa lalaki. Nakausap na rin umano ni Idol Raffy ang NCRPO chief.

Read also

Nagpabakuna kontra COVID-19, nagka-love life at magkasabay na sa kanilang 2nd dose

Si Sachzna Laparan ay isang actress, model at social media influencer. Siya ay isa sa kilalang mga vlogger sa bansa na may mahigit dalawang milyong subscribers. Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Love Life (2019), Happy Breakup (2017) and Nothing But the Bests! (2017).

Matatandaang naging usap-usapan ang pagsasapubliko ni Sachazna at ni Jomar Lovena na hindi na sila mapapnood na magkasama sa vlog.

Kinalaunan ay pinakilala nila ang kani-kanilang mga karelasyon sa totoong buhay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel