Madam Inutz, 'di napigilang maluha nang makitang bumubuti ang kalagayan ng kanyang ina

Madam Inutz, 'di napigilang maluha nang makitang bumubuti ang kalagayan ng kanyang ina

- Naging emosyonal si Madam Inutz nang makita niya ang improvement sa pagpapa-therapy ng kanyang ina

- Bagaman at nabigo sa task ni Kuya para mapanood ang cd ng mensahe ng kanilang mga mahal sa buhay, siya ang napili ng mga housemates na mapagbigyang panoorin ito

- Labis din siyang nagpasalamat kay Big Brother sa pagkakataong ibinigay nito sa kanya para makita ang ina

- Matatandaang sadyang malapit ni Madam Inutz sa ina na siyang dahilan ng kanyang pagsisipag bago pa man siya pumasok sa bahay ni Kuya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilan ni Madam Inutz ang pagtulo ng kanyang luha nang makita niya ang kanyang ina na may magagandang pagbabago dahil sa pagte-therapy nito.

Nalaman ng KAMI na bagaman at nabigo siya sa task na pinagawa sa kanila ni kuya para makita ang mensahe ng mga mahal nila sa buhay, siya naman ang napili ng housemate para mabigyan ng pagkakataong mapanood ang video kung saan niya nakita ang kanyang ina.

Read also

Mariel Padilla, nawindang sa bill matapos maghakot ng laruan ang mga anak

Madam Inutz, 'di napigilang maluha nang makitang bumubuti ang kalagayan ng kanyang ina
Madam Inutz (Photo from Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Kitang-kita ang pagkamangha ni Madam Inutz nang makita ang kanyang nanay na unti-unti nang naigagalaw ang ilang bahagi ng katawan nito.

Matatandaang ibinahagi ni Madam Inutz na na-stroke ang kanyang ina na ilang taon nang bed-ridden.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman masayang-masaya siya nang makita ito na nakangiti at naitataas baba na ang mga baraso at binti.

"Sa loob ng dalawang buwan na wala ako doon, sobrang laki ng imrovement ni nanay"

Mapapanood ang kabuuan ng video mula sa Pinoy Big Brother ABS-CBN, ngayong Dieyembre 8:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Read also

Eian Rances, naging emosyonal nang ipaalam ni Big brother ang nangyari sa kanyang ama

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Madam Inutz at nagkaroon ng party sa loob ng bahay ni Kuya matapos mapagtagumpayan ng housemates ang kanilang task.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel