Eian Rances, naging emosyonal nang ipaalam ni Big brother ang nangyari sa kanyang ama

Eian Rances, naging emosyonal nang ipaalam ni Big brother ang nangyari sa kanyang ama

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Eian Rances nang ipaalam sa kanya ni Big Brother ang kalagayan ng kanyang ama

- Binigyan siya ng pagkakataong marinig ang boses ng ina na siyang nagsabi ng kung ano ang nangyari sa kanyang ama

- Bagaman at nakaranas ng hirap sa pagbangon at paglalakad, makikita naman sa video na nakalalakad na muli ito ng may suporta

- Ipinabatid ng PBB ang kaganapang ito sa pamilya ni Eian upang sabihing nasa maayos na kalagayan din ang kanyang pamilya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naluha si Eian Rances nang ipabatid sa kanya ni Big Brother ang nangyari sa kanyang ama kamakailan.

Nalaman ng KAMI na nabigyan ng pagkakataon si Eian na marinig ang boses ng ina upang ipaalam ang nangyari sa kanyang ama habang ipinakikita ang video nito na naglalakad gamit ang tungkod.

Read also

Karen Bordador, naghayag ng kanyang suporta kay Alexa Ilacad

"Hi Eian, Kumusta na? Alam mo ba, paggising ng papa mo ay bigla na lang siyang hindi makabangon at makalakad sa sobrang sakit ng kanyang kaliwang pigi hanggang paa at namamanhid din daw ang kanyang paa," bungad ng ina ni Eian.

Eian Rances, naging emosyonal nang ipaalam ni Big brother ang nangyari sa kanyang ama
Eian Rances (Photo: Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook
"Sa kanyang MRI result ay meron siyang slipped disc. Pinapa-therapy ko pa ngayon at sa dami kong prayers ay nakakalakad na siya ng dahan-dahan na may tungkod"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Don't worry, he's doing okay na and prayers pa more. Take care ka diyan"

Ipinabatid ito ni Kuya kay Eian para rin malaman nitong nasa mabuting kalagayan ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang ama.

Narito ang kabuuan ng video:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Vicki Belo, ayaw na binabati sa kanyang birthday: "Wala, bumabalik lang talaga ang pain"

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad.

Kamakailan, hindi napigilan ni Eian na maglabas ng saloobin tungkol sa kapwa housemates na sina Anji at TJ.

Maliban umano kay Anji na aminado umano siyang pinagtampuhan niya dahil sa pinaglagyan nitong grupo sa kanya, isa rin si 'TJ' sa itinuturing niyang problema sa loob ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel