Vicki Belo, ayaw na binabati sa kanyang birthday: "Wala, bumabalik lang talaga ang pain"

Vicki Belo, ayaw na binabati sa kanyang birthday: "Wala, bumabalik lang talaga ang pain"

- Naluluhang ikinuwento ni Dra. Vicki Belo kung bakit ayaw niyang binabati siya sa kanyang kaarawan

- Ito ay buong tapang niyang ibinahagi sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz na nagtataka kung bakit ayaw ni Dra. Vicki na maging ang mga malalapit niyang kaibigan ay hindi bumabati sa kanyang kaarawan

- Aminadong sensitive siya sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan tuwing naiisip niya umanong hindi na manlang siya nahawakan ng tunay niyang ina hanggang siya ay maibigay na sa kapatid nito

- Gayunpaman, pinasasalamatan pa rin niya ang kanyang magulang na ibinigay siya sa mga taong minahal at pinalaki siya ng maayos

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi napigilang maging emosyonal ni Dra. Vicki Belo nang mapag-usapan nila ni Ogie Diaz ang tungkol sa kanyang kaarawan.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga naitanong ni Ogie sa kaibigang si Dra. Vicki ay kung bakit hindi nila ito mabati tuwing nagdiriwang siya ng kanyang kaarawan.

Read also

Chad Kinis sa mga pinagdaanan sa buhay bago makilala: "It's not an overnight success"

Paliwanag ng celebrity doctor na ito ay may kaugnayan sa kanyang pagiging ampon.

Vicki Belo, ayaw na binabati sa kanyang birthday: "Wala, bumabalik lang talaga ang pain"
Vicki Belo (@victoria_belo)
Source: Instagram

Kwento ni Dra. Belo, Ikalima siya sa siyam na magkakapatid. Sinabi ng kanyang ina noong ipinagbubuntis pa lamang siya nito ay kung babae ang nasa sinapupunan ay ibibigay niya ito sa kapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nung pinanganak ako, never akong hinawakan ng nanay ko,"

"In my head... parang ipinanganak ka pa lang, ipinamigay ka na," naluluha nang nasabi ni Dra. Vicki.

"So when I think of that since I have so many issues about adoption about not being good enough, about not being lovable... I don't like to be greeted,"

"My mom and dad gave me on my birthday," paliwanag niya sa kung bakit ayaw niyang binabati siya ninoman sa kanyang kaarawan.

"Wala, bumabalik lang talaga ang pain"

Read also

Jerald Napoles, sa mga sakripisyo ng ina para sa kanya: "Nakita ko lahat 'yun"

Kaya naman para sa kanya, mas mainam na hindi siya alalahanin sa kanyang kaarawan.

"I just ignore... so the best gift that you can give me is not to greet me"

Narito ang kabuuan ng panayam kay Dra. Vicki na mapapanood sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Si Dr. Vicki Belo ay kilalang dermatologist at television personality sa Pilipinas. Siya rin ang founder, CEO, at Medical Director ng Belo Medical Group.

Siya ang misis ng isa ring doktor na si Hayden Kho at nabiyayaan sila ng isang anak na si Scarlet Snow.

Nag-viral din ang makulit na baking session nila ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kung saan nabanggit ng celebrity doctor kung gaano ka-sweet si Matteo Guidicelli sa kanyang misis.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel