Mariel Padilla, nawindang sa bill matapos maghakot ng laruan ang mga anak

Mariel Padilla, nawindang sa bill matapos maghakot ng laruan ang mga anak

- Matapos nga ang unti-unting pagbubukas ng mga establisyimento sa bansa, isa si Mariel Padilla sa natuwa dahil halos dalawang taon din umanong hindi nakalabas ng bahay ang kanyang mga anak

- Kaya naman sa tulong ng ninang ng kanyang anak, nagtungo silang mag-iina at kanilang mga kasambahay sa isang toy store habang sarado pa ang mall kaya wala silang ibang kasabay

- Hinayaan niya ang mga anak na kunin ang anumang mga laruang kanilang naisin habang nasa loob sila ng toy store

- Umabot sa tumataginting na P44,000 ang kanyang binayaran sa mga laruang nahakot ng kanyang dalawang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa unang pagkakataon matapos ang muling pagbubukas ng mga establisyimento lalo na para sa mga bata, minabuti ni Mariel Padilla na dalhin ang mga anak sa isang toy store. Bilang pag-iingat, nakasuot ng face mask, face shield at gloves ang kanyang mga anak.

Read also

Madam Inutz, 'di napigilang maluha nang makitang bumubuti ang kalagayan ng kanyang ina

Mariel Padilla, nawindang sa bill matapos maghakot ng laruan ang mga anak
Photo from Mariel Padilla (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Nagtungo din sila sa toy store habang hindi pa nagbubukas ang mall kaya wala silang ibang kasabay.

Sa nasabing video na kanyang pinamagatang Can’t Say No To The Kids…MAGKANO KAYA ANG INABOT??, hinayaan niya sina Gabriella at Isabella na mamili ng kahit anong laruan na gugustuhin nila.

Ayon kay Mariel, masayang-masaya siya para sa mga anak niya na hindi din maitago ang galak sa muling pagpunta nila ng mall. Ito umano ang unang experience ni Gabriella dahil sa pandemya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umabot sa tumataginting na P44,000 ang kanyang binayaran sa mga laruang nahakot ng kanyang dalawang anak.

Matapos nilang mamili para sa kanyang mga anak, namili din si Mariel ng mga laruan na kanyang binigay sa kanyang napiling foundation.

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India.

Read also

Lassy, ikinuwentong malaki ang pasasalamat niya kay Vice Ganda na 'di siya pinabayaan

Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Kinabiliban ang mag-asawa dahil sa magandang pakikitungo nila sa kanilang mga kasambahay. Sa katunayan ay pinagawaan pa nila ito ng libreng pabahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel