Lassy, ikinuwentong malaki ang pasasalamat niya kay Vice Ganda na 'di siya pinabayaan

Lassy, ikinuwentong malaki ang pasasalamat niya kay Vice Ganda na 'di siya pinabayaan

- Nabanggit ni Lassy ang pasasalamat niya kay Vice Ganda na hindi siya pinabayaan sa panahong labis siyang nangangailangan

- Ito ay may kaugnayan umano sa naging pagsubok sa buhay ni Lassy at tanging siya ang pinaghuhugutan ng lakas ng kanyang pamilya

- Lagi raw siya umanong isinasama ni Vice Ganda sa mga raket nito para lamang masiguro na mayroon siyang maipangsustento sa kanyang pamilya

- Dinoble raw kasi niya talaga ang pagbabanat ng buto gayung siya ang inaasahan ng kanyang mga mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ikinuwento ng komedyanteng si Lassy kung paano siya natulungan ni Vice Ganda sa panahong labis siyang nangangailangan.

Nalaman ng KAMI na ito ay may kaugnayan sa umano'y pagkakakulong ng kanyang ama at tatlong kapatid. Dahil dito, labis na namroblema si Lassy lalong-lalo na at nagkaroon pa ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Read also

Lassy, binalikan ang naging banta noon sa kanyang buhay: "Hinahabol kami!"

Lassy, ikinuwentong malaki ang pasasalamat niya kay Vice Ganda na 'di siya pinabayaan
Lassy (akolassy)
Source: Instagram
"At nagpapasalamat ako kay Meme Vice nung panahon na 'yon. Nung nalaman niya 'yon, sinabi niya 'isasama kita sa raket para laging mayroon kang pangsustento"

Dahil dito, talagang doble kayod si Lassy dahil labis silang naapektuhan ng mga nangyari sa kanyang ama at magkakapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagbunga naman ang pagsisikap niyang ito dahil sa ipinatatayo niyang bahay para sa kanyang pamilya. Tinatayang sa susunod na taon, maaari na raw nilang matirhan ang kanyang ipinatayong bahay.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Lassy na mapapanood sa YouTube chennel ni Ogie Diaz:

Si Lassy Marquez ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Chad Kinis at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Read also

Awra Briguela, proud na napagtapos ang tatay niya sa kolehiyo

Kamakailan, ginulantang ng isa sa mga kasama ni Lassy sa Beks Battalion na si Chad Kinis ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.

Anak ito ng kanyang ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel