Awra Briguela, proud na napagtapos ang tatay niya sa kolehiyo

Awra Briguela, proud na napagtapos ang tatay niya sa kolehiyo

- Sa isang bahagi ng video ni Karen Davila kung saan pumunta siya sa bagong bahay ng pamilya ni Awra Briguela, nakausap niya rin ang ama ni Awra

- Napag-usapan nila ang tungkol sa pagbabalik eskwela nito at pagtatapos sa kolehiyo kahit may pamilya na siya

- Bumalik siya mula sa uang taon ng kolehiyo hanggang makatapos siya sa tulong na rin ng anak niyang si Awra

- Nagkahiwalay man ang kanyang mga magulang, masaya umano si Awra na nakakalabas silang magkakasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang bahagi ng video ni Karen Davila kung saan pumunta siya sa bagong bahay ng pamilya ni Awra Briguela, nakausap niya rin ang ama ni Awra. Napag-usapan nila ang tungkol sa pagbabalik eskwela nito at pagtatapos sa kolehiyo kahit may pamilya na siya.

Awra Briguela, proud na napagtapos ang tatay niya sa kolehiyo
Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Instagram

Bumalik siya mula sa uang taon ng kolehiyo hanggang makatapos siya sa tulong na rin ng anak niyang si Awra. Nagkahiwalay man ang kanyang mga magulang, masaya umano si Awra na nakakalabas silang magkakasama.

Read also

Awra Briguela, pinakita ang napundar na bagong bahay para sa pamilya niya

Mas pinili ng ama ni Awra na magpatawad na at habang nagkukuwento ay nagong emosyonal pa ito. Kwento pa ni Awra, lagi siyang pinapayuhan ng kanyang ama na magpatawad kahit kadalasan ay may hindi magandang ginagawa sa kanya ang ibang tao.

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Akala q sobrang matutuwa at maiinspire n aq dahil sa achievement na magandang bahay ni awra..Aun pla mas namangha pa aq sa sinabi ng tatay ni awra..Sobrang ganda ng mga values ng pamilya nila.. Sarap maging mabuting tao.
This is so nice. Awra's story is so inspiring, pati Tatay niya punong puno ng words of wisdom.
Ang dami kong aral na natutunan sa episode na ito lalo na sa daddy ni Awra, napakabuting tao. All I felt with this family is true love for one another. Positivity lang walang negativity. Feel good watching this. I super love this episode.

Read also

Vicki Belo, ayaw na binabati sa kanyang birthday: "Wala, bumabalik lang talaga ang pain"

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos magviral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz.

Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noon. Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Buknoy. Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel