Awra Briguela, pinakita ang napundar na bagong bahay para sa pamilya niya

Awra Briguela, pinakita ang napundar na bagong bahay para sa pamilya niya

- Masaya si Awra Briguela na nakalipat na sila ng kanyang pamilya sa kanilang bagong bahay

- Sa bagong video na ibinahagi ni Karen Davila, pinasilip niya ang loob ng kanilang bagong bahay

- Bukod sa kanilang bahay ay mayroon pa umanong isang bahay si Awra na napanalunan niya sa isang talent show sa ABS CBN ngunit hindi niya umano ito tinirhan

- Ayon kay Awra, masarap sa pakiramdam na nabigyan niya ang pamilya niya ng bagong bahay kung saan komportable sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang dalawang linggo mula nang lumipat sila ng kanyang pamilya sa kanilang bagong bahay, masayang pinakita ni Awra Briguela ang kanyang naipundar. Makikita sa kanilang bahay ang ilan sa mga awards na kanyang natanggap bilang isang aktor.

Awra Briguela, pinakita ang napundar na bagong bahay para sa pamilya niya
Awra Briguela (@awrabriguela)
Source: Instagram

Naihambing din ni Awra ang kanilang bahay bago pa sila nakalipat. Aniya, kung noon ay abot lang niya ang kisame, sa kanilang bagong bahay ay high ceiling na. Bukod sa kanya ay nakatira din ang kanyang lolo at lola sa kanila pati na ang mga kapatid at kanyang step mother at ang kanyang ama.

Read also

Awra Briguela, proud na napagtapos ang tatay niya sa kolehiyo

Dahil ayaw umano nilang magkahiwa-hiwalay na magkakapatid, magkakasama pa rin sila sa isang kwarto.

Ipinakita din ni Awra ang koleksiyon nya ng mga sapatos. Mahilig ito sa sneakers at marami sa mga ito ay mamahalin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa huling bahagi ng video ay nagulat si Karen na may iniandang sorpresa pala si Awra para sa kanya. May cake ito para sa kaarawan ng journalist na nagdiwang ng kanyang kaarawan nito lamang Nobyembre kasabay si Lyca Gairanod.

Panuorin ang kabuaan ng video dito:

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos magviral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa mundo ng showbiz.

Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsiyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Matatandaang naging usap-usapan din ang pagsasagutan nina Awra at Buknoy noon. Maging ang social media artist na si Xander Ford ay nadawit sa gulo nang kampihan niya si Buknoy. Kinalaunan ay humingi ng dispensa si Buknoy matapos makatanggap ng matinding mga pamba-bash.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel