Lassy, binalikan ang masalimuot na pagbabanta noon sa kanyang buhay: "Hinahabol kami!"

Lassy, binalikan ang masalimuot na pagbabanta noon sa kanyang buhay: "Hinahabol kami!"

- Buong tapang na naibahagi ni Lassy ng Beks Battalion ang naranasan noong pagbabanta sa kanyang buhay

- Nag-umpisa umano ito sa away na kinasangkutan ng kanyang mga kapatid at ama

- Nang makulong ang mga ito, sila namang mga naiwan sa bahay kasama ang ina at ibang kapatid ang pinuntirya ng kapitbahay

- Binabato na raw ang kanila noong bahay kaya naman talagang naisipan nilang tumakas subalit hinabol pa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Muling binalikan ni Lassy ang masalimuot na nangyaring pagbabanta sa buhay niya at maging ng kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na buong tapang niya itong naibahagi nang makapanayam siya ni Ogie Diaz, kung saan naikwento niya ang hindi magandang nangyari sa kanilang pamilya noong 2010.

Unang nasangkot umano sa gulo ang kanyang kapatid na sinundan ng kanyang ama na 'di umano'y nakasaksak.

Read also

Lassy, ikinuwentong malaki ang pasasalamat niya kay Vice Ganda na 'di siya pinabayaan

Lassy, binalikan ang masalimuot na pagbabanta noon sa kanyang buhay: "Hinahabol kami!"
Lassy Marquez (@akolassy)
Source: Instagram

Nadamay pa raw ang kanyang tatlong kapatid na lalake na nakulong kasama ng kanyang ama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit hindi raw doon nagtatapos ang pahirap na ginawa sa kanila ng mga nakaalitang kapitbahay.

Sila ng kanyang ina at iba pang kapatid na naiwan sa bahay ay nakatatanggap na ng pagbabanta.

Naroong binabato na ang kanilang bahay na labis na mapanganib lalo na sa kanyang ina.

Dahil dito, naisipan na niyang itakas ang ina at mga kapatid. Wala raw silang kadala-dala noon kundi pera.

Malaking bagay na may sasakyan na sila noon kaya naisagawa nila ito. Pilit pa rin silang hinahabol ng ilang kapitbahay na naka-tricycle kaya naman talagang umiiyak si Lassy habang nagda-dirve.

"Pinupuntirya nila ako, sabi nila, Itumba natin kung sino yung kumikita ng pera"

Nang makalayo, naroon pa rin umano ang kaba sa mga nangyayari subalit sinikap pa rin na magpakatatag ni Lassy. Doble kayod siya para sa kanyang pamilya na siya ang pawang inaasahan at pinaghuhugutan ng lakas.

Read also

Rob Moya, ipinakita ang kanyang bagong nilipatang bahay

Narito ang kabuuan ng panayam kay Lassy na mapapanood sa YouTube channel ni Ogie Diaz:

Si Lassy Marquez ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Chad Kinis at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Kamakailan, ginulantang ng isa sa mga kasama ni Lassy sa Beks Battalion na si Chad Kinis ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.

Anak ito ng kanyang ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel