Chad Kinis, nag-enjoy sa pamimili ng gamit para sa kanyang baby na si Rica Lorice

Chad Kinis, nag-enjoy sa pamimili ng gamit para sa kanyang baby na si Rica Lorice

- Super enjoy si Chad Kinis sa pamimili ng gamit para sa kanyang anak na si Rica Lorice

- Personal siyang nagtungo sa mall para siya mismo ang bumili ng mga kailangan ng newborn baby ng kanyang ate na inako na rin niya bilang anak

- Nitong nakaraang linggo, ibinahagi ni Chad ang unang pagkikita nila ng tinawag na agad niyang anak na si Baby Lorice

- Mas lalong hinangaan ng marami si Chad sa desisyon niya na ito na akuin ang responsibilidad bilang ama ni Baby Lorice

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang nag-enjoy sa pamimili si Chad Kinis ng mga gamit para sa kanyang pamangkin na inako na niyang anak na si Rica Lorice.

Nalaman ng KAMI na si Chad mismo ang personal na nagtungo sa SM North Edsa para bilhin ang mga pangangailangan ng kanyang Baby Lorice.

Read also

Chad Kinis sa tunay na ama ni Baby Lorice: "Di na nga pinanagutan, itinanggi pa"

Chad Kinis, nag-enjoy sa pamimili ng gamit para sa kanyang baby na si Rica Lorice
Chad Kinis (@chadkinis)
Source: Facebook

Siniguro niyang magagandang klase ang mga gamit ng inako na niyang anak.

Mula sa baby bottles, mga una at iba pang mga gamit ng sanggol, isa-isang binusisi ni Chad para lamang maibigay ang lahat ng maayos at magagandang gamit para kay Lorice.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang makakita ng dress, na-excite naman si Chad sa paglaki ng anak at gagawin daw niya talaga itong fashionista.

Bago matapos ang kanyang vlog, ipinakita niya ang lahat ng mga naipamili at sinabing iyon ang pinakamasarap na shopping experience para sa kanya.

"Sa lahat ng shopping experiences ko, ito ang pinakamasarap sa pakiramdam na shopping, dahil alam mo na ang lahat ng ito ay para sa aming prinsesa"

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung saan kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Read also

Ivana Alawi, super love ang pamangkin na si Gabriel na "Mamita" ang tawag sa kanya

Kamakailan, ginulantang ni Chad ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.

Anak ito ng kanyang ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel