Chad Kinis sa tunay na ama ni Baby Lorice: "Di na nga pinanagutan, itinanggi pa"

Chad Kinis sa tunay na ama ni Baby Lorice: "Di na nga pinanagutan, itinanggi pa"

- Muling naikwento ni Chad Kinis sa panayam sa kanya ni Mama Loi ang pagiging 'Dada' niya kay Baby Rica Lorice

- Si Baby Lorice ay anak ng kanyang nakatatandang kapatid na sa kasamaang palad ay hindi napanagunatan ng ama nito

- Nagdesisyon si Chad na akuin ang responsibilidad bilang ama kay Baby Lorice na isang 'blessing' na nagdala umano ng 'pag-asa' at 'pagmamahal' sa kanilang buhay

- Katunayan, sa pinakabagong vlog ni Chad, masaya itong ipinamili ng mga gamit ang kanyang Baby Lorice

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa panayam ni Mama Loi kay Chad Kinis, isa sa mga napag-usapan ay ang pinakabagong karagdagan sa pamilya nina Chad na si Baby Rica Lorice.

Nalaman ng KAMI na si Chad na ang tatayong ama ni Baby Lorice na anak talaga ng kanyang nakatatandang kapatid.

Read also

Rob Moya, todo-pasalamat kay Toni Fowler dahil sa pagtulong nito sa kanya

Chad Kinis sa pagiging 'Dada' kay Baby Lorice: "It has given me another direction in life"
Chad Kinis Kasama ang kanyang boyfriend na si Nikko (@chadkinis)
Source: Instagram

Kwento ni Chad, hindi kasi pinanagutan ng tunay na ama si Baby Lorice kaya naman buong puso niyang inako ang responsibilidad na maging 'Dada' nito.

"Ang kapal ng mukha ng lalake kasi itinanggi... 'Yung lalake kasi 'di na nga pinanagutan, itinanggi pa. Sabi ko, kung hindi niyo kayang panagutan sana hindi niyo ginawa"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"You should take responsibility sa ginawa niyo... Dalawa kayong hindi nag-ingat," dagdag pa ni Chad.

Gayunpaman, isa umanong blessing ang pagdating ni Baby Lorice sa kanila na nagbigay ng 'pag-asa' at 'pagmamahal' sa kanilang buhay.

"Ang hirap kasi ng makikita niya paglaki na wala ang tatay niya," pahayag ni Chad buong puso niyang tinanggap ang pagiging ama ni Baby Lorice.

"It's also my dream to have a child. and I think, this is really a blessing for me kasi it has given me another direction in life"

Read also

Rob Moya, kinumpirmang hiwalay na sila ng girlfriend na si Jen

Narito ang kabuuan ng makabuluhang interview kay Chad na mapapanood sa YouTube channel ni Mama Loi:

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Kamakailan, ginulantang ni Chad ang publiko sa kanyang anunsyo na isa na siyang "Dada".

Sa kanyang YouTube channel, ikinuwento niya ang pagiging ama dahil inako na niya ang responsibilidad na ito para sa pamangkin na si Rica Lorice.

Anak ito ng kanyang ate Laarnie subalit sa kasamaang palad, hindi ito pinanagutan ng nakabuntis sa kanya.

Gayunpaman, handa raw umano si Chad na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng pamangkin lalong-lalo na ang pagmamahal ng isang ama.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel