Chad Kinis, isa nang 'dada'; ipinakilala ang anak na si Rica Lorice

Chad Kinis, isa nang 'dada'; ipinakilala ang anak na si Rica Lorice

- Ipinakilala ni Chad Kinis ang pinakabagong miyembro ng kanilang pamilya na si Rica Lorice

- Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ni Chad ang kanyang 'anghel' at siya naman ang magiging Dada nito

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Chad nang mahawakan si Lorice at ipinangako niya rito na bibigyan niya ito ng maayos na buhay

- Ikinuwento rin niya kung paano siya biglaang nagkaanak kasama ng kanyang mga kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naluha si Chad Kinis nang ipinakilala na niya sa publiko ang kanyang 'anak' at anghel ng kanilang pamilya na si Rica Lorice.

Nalaman ng KAMI na ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipakikilala ni Chad ang tinatawag niyang anak na si Rica Lorice.

Dalawang oras na nag-drive si Chad mula Maynila patungong Batangas upang makita at mahawakan ang bagong biyaya sa kanilang pamilya.

Read also

Dating sumisisid ng barya sa pier, may masters degree na ngayon

Chad Kinis, isa nang 'dada'; ipinakilala ang anak na si Rica Lorice
Chad Kinis (@chadkinis)
Source: Facebook

Kwento ni Chad, hango ang pangalan ng baby sa mga lolo at lola nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nang makarating sa ospital, doon ipinaliwanag ni Chad ang sitwasyon kung saan pamangkin pala niya talaga si Baby Lorice.

Anak ito ng panganay nilang kapatid na sa kasamaang palad ay hindi pinanindigan ng nakabuntis sa kanya.

Kaya naman buong puso nang inako ni Chad ang responsibilidad na maging tatay ni Lorice.

Naikwento ng kanyang ate Laarnie na nahihiya pa umano siya noon na sabihin kay Chad ang kanyang pagbubuntis. Ngunit dahil likas ng mapagmalasakit ang komedyante, hindi niya talaga hinayaang mamroblema ang kapatid at nangakong magiging katuwang sa pagpapalaki kay Baby Lorice.

Narito ang kabuuan ng nakakaantig ng pusong kwento ng pagiging instant tatay ni Chad:

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Read also

Lyca Gairanod, inaming crush niya ang ex-battalion member na si Flow-G

Kilala rin si Chad sa pagiging isang mapagmahal na kaibigan. Katunayan, binigyan niya kamakailan ng mamahaling sapatos si Awra Briguela.

Sa naturang interview din ni Ogie Diaz kay Chad, nasabi nito ang pagsuporta ng komedyante sa mga foundation na hinahawakan nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel