Lyca Gairanod, inaming crush niya ang ex-battalion member na si Flow-G

Lyca Gairanod, inaming crush niya ang ex-battalion member na si Flow-G

- Sa nalalapit na kaarawan ni Lyca Gairanod, isang panayam ang inilabas ng batikang showbiz writer na si Aster Amoyo

- Dinayo nila ang bahay ni Lyca kung saan nakatira ang kanyang pamilya at ang pinakmamahal nitong lola

- Ayon kay Lyca, wala pa sa isip niya na magkaroon ng boyfriend dahil marami pa siyang gustong abutin na pangarap

- Gayunpaman, inamin ni Lyca na si Flow-G ng Ex-Battalion ang kanyang hinahangaan dahil sa talento nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kagaya sa kanyang mga vlog, masayahin at magalang na Lyca Gairanod ang napanood sa bagong video na ibinahagi sa YouTube channel ng showbiz writer na si Aster Amoyo. Sa nalalapit na kaarawan ni Lyca, dinayo nila ang bahay ni Lyca kung saan nakatira ang kanyang pamilya at ang pinakmamahal nitong lola.

Lyca Gairanod, inaming crush niya ang ex-battalion member na si Flow-G
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Ayon kay Lyca sa kanyang nalalapit na kaarawan, magiging 17 anyos na siya ngunit wala pa sa isip niya ang pakikipagrelasyon dahil marami pa siyang pangarap sa buhay at para sa kanyang pamilya.

Read also

Maricel Soriano, ibinahagi ang kanyang saloobin sa ilang mga artistang naktrabaho niya

Gayunpaman, inamin niya ang mang-aawit na kanyang hinahangaan at ito ay walang iba kundi si Flow-G ng Ex-Battalion. Nakasama niya umano ito sa mga shows.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

Si IDOL LITTLE SUPERSTAR tlga ang nagbibigay inspirasyon sa mga kabataan na ngangarap mula noong manalo sya sa The Voice Kids season 1 magpasa-Hanggang ngayon. Naiiyak ako sa tuwa dahil naging Succesfull na sya ngayon.
Umaangat na ang kanyang CAREER ngayon. Ito amg panahon ng Pagsikat ni LITTLE SUPERSTAR DONT WORRY bebe LYCA madami kaming mga sumusuporta sayo lalo na yung mga taong pinapasaya mo sa tuwing kumakanta ka sa Live Stream
Napapawi mo aming mga problema kapag kumakanta ka na. Kaya mahal na mahal ka ng mga MASANG PILIPINO. Madami ang nakasupport sayo bebe LYCA

Read also

Pamilya ni Lyca Gairanod, malaki ang pasasalamat sa kanyang nagawa para sa kanila

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1.

Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Bago pa man siya sumikat ay nagviral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel