Pamilya ni Lyca Gairanod, malaki ang pasasalamat sa kanyang nagawa para sa kanila

Pamilya ni Lyca Gairanod, malaki ang pasasalamat sa kanyang nagawa para sa kanila

- Para sa pamilya ni Lyca, malaki ang kanilang pasasalamat sa nagawa ni Lyca oara sa kanila

- Matapos nga nitong manalo sa The Voice Kids ay nagbago na ang kanilang buhay na dati ay aminado silang mahirap

- Kwento nila, mapagbigay si Lyca sa kanyang pamilya lalong lalo na sa kanyang mga kapatid

- Hindi umano nito hinahayaang siya lang ang mag-enjoy sa mga biyayang kanyang natatanggap at lagi nitong iniisip na bigyan din ang mga kapatid

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para sa pamilya ni Lyca Gairanod, isang mapagmahal na kapatid at anak ang dalaga. AYon sa kanyang mga magulang, binibilhan nito ang mga kapatid niya anuman ang meron siya at minsan umano ay okay lang sa kanya na wala na para sa kanya basta mabigyan niya ang mga kapatid.

Pamilya ni Laica Gairanod, malaki ang pasasalamat sa kanyang nagawa para sa kanila
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

Matapos nga nitong manalo sa The Voice Kids ay nagbago na ang kanilang buhay na dati ay aminado silang mahirap. Matatandaang napanalunan nito ang isang bahay at cash prize na nagpabago sa buhay nila.

Read also

Lola ni Lyca Gairanod, emosyonal na nagbigay ng mensahe sa pinakamamahal na apo

Ayon sa kanyang ina, sana ay ipagpatuloy nito ang kanyang ginagawa lalo na para sa mga kapatid niya dahil ayaw na nilang balikan ang pangangalakal. Noon ay nangangalakal lamang sila ngunit kwento ng nanay ni Lyca kahit noon pa ay gumagawa na umano ito ng paraan para sa kanilang pamilya.

Nangangaroling umano ito para makabili sila ng bagong damit para sa pasko. Maging si Lyca ay palaging bukambibig na marami pa siyang pangarap para sa kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1.

Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Bago pa man siya sumikat ay nagviral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel