Chad Kinis, umani ng papuri matapos i-anunsyo na isa na siyang "Dada"

Chad Kinis, umani ng papuri matapos i-anunsyo na isa na siyang "Dada"

- Marami ang natuwa at humanga sa komedyanteng si Chad Kinis matapos niyang i-anunsyo na isa na umano siyang Dada

- Noong nakaraang linggo, ibinahagi niya ang video kung saan nakita at nahawakan na niya ang kanyang 'anak' na si Rica Lorice

- Hindi naiwasang maging emosyonal ni Chad habang hawak si 'Lorice' at ipinangako nitong bibigyan niya ito ng maganda at maayos na buhay

- Dahil dito, umani si Chad ng papuri sa mga netizens dahil sa kabutihan ng loob nito na siyang dahilan daw umano kung bakit patuloy itong binibiyaan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang nagulat nang maibahagi ni Chad Kinis na isa na siyang ama sa kanyang pinakabagong vlog.

Nalaman ng KAMI na siya na pala kasi ang tatayong tatay ng kanyang pamangkin na si Rica Lorice.

Sa naturang vlog, naikwento ni Chad ang nangyari sa ate niyang si Laarnie na nanay ng kanya na ngayong baby na si Rica Lorice.

Read also

Madam Inutz, natuwa sa napapansin niyang pagbabago kay KD Estrada

Chad Kinis, umani ng papuri matapos i-anunsyo na isa na siyang "Dada"
Chad Kinis (Photo: @chadkinis)
Source: Facebook

Sa kasamaang palad, hindi na kasi pinanagutan pa ng ama ni Lorice ang kanyang ina kaya naman nangako si Chad na siya na ang tatayong ama ng bata at maayos niya itong itataguyod.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naiwasang maging emosyonal ni Chad nang sa unang pagkakataon ay makita at mahawakan niya si Baby Lorice.

Dahil dito, umani ng papuri si Chad sa pagmamalasakit niya sa kapatid at pamangkin na aniya'y patuloy niyang susuportahan at aalagaan.

Samantala, narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Napakabuti ng puso mo Chad, kaya naman patuloy kang binibiyayaan dahil marunong kang mag-share"
"Congrats sa bagong blessing sa family niyo, lalaking masaya at maayos ang buhay ni Lorice dahil ikaw ang tatay niya"
"Congrats blesssng ang baby sa buhay, sa trabaho at sa loob ng bahay. Yan yng mag bibigay kulay at swerte sa buhay ninyong magkapatid."

Read also

Virgelyncares, napasaya at natulungan ang isang lola na wala nang makain

"Naluluha po ako sa inyong magkapatid. Congrats po sa bagong member ng family niyo"
"Nakaka-inspire po ang story niyo na sana'y kapulutan ng aral ng marami. Congrats po sa bagong baby"

Si Chad Kinis ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Bahagi siya ng grupong Beks Battalion kung san kasama niya sina Lassy at MC Muah. Sumikat sila sa kasagsagan ng pandemya gayung isa ang grupong 'Beks Battalion' sa mga nagbibigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga nakatutuwang videos nila sa kanilang YouTube channel.

Kilala rin si Chad sa pagiging isang mapagmahal na kaibigan. Katunayan, binigyan niya kamakailan ng mamahaling sapatos si Awra Briguela.

Sa naturang interview din ni Ogie Diaz kay Chad, nasabi nito ang pagsuporta ng komedyante sa mga foundation na hinahawakan nila.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel