Madam Inutz, natuwa sa napapansin niyang pagbabago kay KD Estrada

Madam Inutz, natuwa sa napapansin niyang pagbabago kay KD Estrada

- Masaya si Madam Inutz sa napansin niyang magandang pagbabago kay KD Estrada

- Natututo na raw itong makihalobilo sa kanilang mga housemates hindi raw tulad dati na pili lamang ang kinakausap nito

- Madalas na rin daw niya itong nakikitang masaya at nakikipagtawanan sa kanyang kapwa housemates

- Matatandaang makailang beses din na naging nominado si KD na labis niya noong dinamdam

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napansin ni Madam Inutz ay ang pagbabago sa kapwa niya housemate na si KD Estrada.

Madam Inutz, natuwa sa napapansin niyang pagbabago kay KD Estrada
Madam Inutz, natuwa sa napapansin niyang pagbabago kay KD Estrada
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na masaya umano si Madam Inutz na nakikita niyang nakikisama at nakikihalubilo na rin si KD sa iba pang housemates.

Noong halos kakapasok pa lamang daw kasi nila sa bahay ni Kuya, tila pinipili lamang daw nito ang pinakikisamahan niya.

Subalit ngayon, nakita raw niya talaga ang effort kay KD na makisaya rin sa kanyang mga housemates.

Read also

Chad Kinis, umani ng papuri matapos i-anunsyo na isa na siyang "Dada"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nakakatuwa si KD, nakikihalubilo na siya. Hindi tulad dati na tahimik lang siya sa sulok,"
"Kumbaga pinupush din niya yung sarili niya... Kaya kinakausap ko na rin, inaakap ko na rin," pahayag ni Madam Inutz.

Matatandaang tatlong beses na naging nominado si KD na sa huling beses na siya'y nalagay sa panganib, nagawa nitong mag-walkout.

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Ngayon kahit nasa loob ng bahay ni Kuya, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Madam Inutz at nagkaroon ng party sa loob ng bahay ni Kuya matapos mapagtagumpayan ng housemates ang kanilang task.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel