PBB Benedix, pambato si Madam Inutz para maging big winner

PBB Benedix, pambato si Madam Inutz para maging big winner

- Si Madam Inutz ang pambato ni Benedix na maging big winner sa PBB Kumunity Season 10

- Consistent umano ang ipinakita sa kanya ni Madam Inutz mula sa pag-welcome sa kanya sa bahay ni Kuya hanggang ngayon na siya ay nakalabas na

- Sobrang na-touch din umano siya sa kwento ng buhay ni madam Inutz kaya naman labis siyang natutuwa kay Madam Inutz

- Si Benedix ang pinakabagong evictee sa bahay ni Kuya kasama ni Shanaia

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Diretsang sinabi ni Benedix Ramos na si Madam Inutz ang kanyang pambato bilang maging big winner sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Nalaman ng KAMI na natanong siya ni Toni Gonzaga kung sino para sa kanya ang nararapat na manalo sa PBB ngayong taon.

"Well very consistent naman po 'yung naramdaman ko sa taong 'to. Like simula palang po sa pag-welcome hanggang sa pag-exit hanggang sa panantili ko 'don, feeling ko si Mamanutz po talaga 'yung tumatayong nanay at the same time siya po 'yung may pinaka sobrang na-touch ako na kwento," paliwanag ni Benedix.

Read also

Madam Inutz, hindi tanggap ang mga bad comments sa kanya: "Nanggigigil ako!"

PBB Benedix, pambato si Madam Inutz para maging big winner
Madam Inutz (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Matatandaang si Madam Inutz din ang pambato ni Chie na maging big winner ng kanilang batch sa PBB. Ito ay sa kabila ng pagbibigay sa kanya ni Madam Inutz ng dalawang puntos sa nominasyon dahil wala raw ibang nai-ambag si Chie sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi naman ito minasama ni Chie kaya't para sa kanya, si Madam Inutz ang karapat-dapat na maging big winner.

Samantala, si Benedix ang pinakabagong evictee sa bahay ni Kuya kasabay ni Shanaia.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Kapamilya online live:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Kamakailan, agaw-eksena ang naging pahayag niya sa kapwa housemate na si Chie Filomeno nang bigyan niya ito noon ng dalawang puntos sa nominasyon. Wala raw itong ibang nagawa sa bahay kundi ang magpaganda lamang. Sa linggong iyon ay na-evict si Chie sa bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel