Madam Inutz, big winner para kay Chie Filomeno: "Hindi nagbago 'yung tingin ko kay Madam"

Madam Inutz, big winner para kay Chie Filomeno: "Hindi nagbago 'yung tingin ko kay Madam"

- Para kay Chie Filomeno, si Madam Inutz pa rin umano ang bet niyang maging big winner sa 'Pinoy Big Brother Season 10'

- Ito ay sa kabila nang pag-nominate sa kanya noon ni Madam at sinabing wala siya umanong naitutulong sa loob ng bahay ni Kuya

- Ayon kay chie, hindi raw nagbago ang tingin niya kay Madam Inutz sa kabila ng viral na nominasyon

- Naunawaan din niya umano ang pag-nominate sa kanya ni Madam dahil alam naman niya sa sarili niya kung ano ang nagawa niya sa loob ng bahay ni Kuya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Madam Inutz pa rin ang big winner para sa kapwa niya housemate na si Chie Filomeno.

Nalaman ng KAMI na sa kabila ng kontrobersyal na rason ni Madam Inutz sa pagbibigay niya ng dalawang puntos noon kay Chie na puro ganda lang umano ang nai-aambag sa bahay ni Kuya.

Read also

Chie Filomeno, umaming may crush kay Kyle Echarri: "Sobrang talented niyang bata"

Sa guesting ni Chie sa Magandang Buhay, ilang katanungan ang naibato sa kanya patungkol sa kanyang mga housemates at isa na rito ay kung sino para sa kanya ang magiging big winner ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Madam Inutz, big winner para kay Chie Filomeno: "Hindi nagbago 'yung tingin ko kay Madam"
Madam Inutz (Photo from Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

"Kahit sabihin natin 'yung naging viral nga 'dun sa nomination pero hindi nagbago 'yung tingin ko kay Madam na lahat ng pinagdaanan niya na she's really a strong woman. She's a single mom and alam ko lahat ng pinagdaanan niya," ani ni Chie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"So for me, siya pa rin ang big winner ko kahit nasabi niya na puro ganda lang ako... Pero alam ko din naman kung ano 'yung ginawa ko kung ano po 'yung na-offer ko sa loob ng bahay," dagdag pa ni Chie.

Read also

Madam Inutz, nominado sa unang pagkakataon sa PBB house

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Magandang Buhay, ABS-CBN Entertainment:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Kamakailan, agaw-eksena ang naging pahayag niya sa kapwa housemate na si Chie Filomeno nang bigyan niya ito noon ng dalawang puntos sa nominasyon. Wala raw itong ibang nagawa sa bahay kundi ang magpaganda lamang. Sa linggong iyon ay na-evict si Chie sa bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel