PBB ex-housemates Karen at TJ, todo hataw sa kanilang viral "ok-ok" video

PBB ex-housemates Karen at TJ, todo hataw sa kanilang viral "ok-ok" video

- Viral ngayon ang TikTok video nina Karen Bordador at TJ Valderrama nang magbonding sila kamakailan

- Marami ang naaliw sa kanilang "ok ok" video kung saan game na game din namang sumayaw si TJ

- Matatandaang minsang naging kontrobersyal ang dalawa nang komprontahin ni Karen si TJ nang sila ay nasa loob pa ng bahay ni Kuya

- Maayos naman nilang tinapos ang pag-uusap na iyon at hindi nagtagal, magkasunod silang lumabas ng PBB house

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Kinagiliwan ng marami ang makulit na TikTok video ng dalawang ex-celebrity housemates na sina Karen Bordador at TJ Valderrama.

Nalaman ng KAMI na bukod sa kanilang friendly date, nagawa pa nilang mag-TikTok.

Tinawag pa nila itong 'The Karen Dance' at game na game namang sumayaw din si TJ.

PBB ex-housemate Karen Bordador at TJ Valderrama, viral dahil sa kanilang "ok ok" video
Karen Bordador (@karenbordador)
Source: Instagram

Agaw-pansin din ang napili nilang sayawin na 'Are you ok?' kung saan tinanong pa ni Karen si TJ kung Ok ito bago tuluyang humataw ang dalawa.

Read also

Magsasaka sa KMJS na nagpaiyak sa marami, muling nabigyan ng tulong

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang nagkaroon pa ng argumento ang dalawa bago sila lumabas sa bahay ni Kuya.

Nagulat ang marami sa komprontasyong naganap sa pagitan ng dalawa kung saan tila sumabog na si Karen na kinausap si TJ sa girl's bedroom.

Imbis daw kasi na ma-motivate si Karen at iba nilang ka-grupo, tila nawawalan sila ng gana sa ipinakikitang kawalan ng gana ni TJ.

Ayon pa kay Karen, isa umano siya sa mga supporters ni TJ at masasabi pa niyang number 1 supporter siya nito sa pagtayo nitong lider ng kanilang grupo subalit hindi naman daw niya maramdaman ang suporta ni TJ sa kanya.

Bago matapos ang kanilang usapan, nagkaayos naman ang dalawa lalo na at sinabi ni Karen na hindi umano siya galit kay TJ. Nais lamang niyang ilabas ang kanyang saloobin ukol sa nasabing kapwa niya housemate.

Read also

Alexa kay Brenda: "Natatawag na niya akong mukhang tanga at desperada”

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Matatandaang sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Ngayong 2021, pawang mga celebrity ang pumasok sa bahay ni kuya at ang ilan sa kanila ay sina Madam Inutz, Brenda Mage, Alyssa Valdez, Samantha Bernardo, Chie Filomeno, Alexa Ilacad.

Samantala, kamakailan ay naging kontrobersyal ang housemate na si TJ Valderrama dahil umano sa pagiging malapit niya kay Shanaia.

Napansin ito ng mga tagasubaybay ng show at sinabing tila harassment na umano ang nagagawa ni TJ sa kasamang babae.

Subalit agad namang binigyan ng tuldok ang isyung ito nang mismong ang mga housemates na ang nagkumpirmang walang harassment na nagaganap sa loob ng bahay ni Kuya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel