Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

- Nagbigay ng nakakakilig ng Christmas message si Brenda Mage sa kanyang partner na si Kelvin

- Sa Christmas special ng ABS-CBN, naging bahagi rin nila ang mga celebrity housemates

- Pinasalamatan ni Brenda ang kanyang boyfriend na nakapagbigay na rin ng mensahe sa kanya na kanyang natanggap matapos mapagtagumpayan ang isang task ni Kuya

- Matatandaang dahil sa kontrobersiya, nagawa nang ipagtanggol ng komedyanteng si Juliana Parizcova Segovia ang kaibigan na si Brenda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kahit nasa loob ng bahay ni Kuya patuloy pa rin ang pagpaparamdam ng pagmamahal ni Brenda Mage sa kanyang boyfriend na si Kelvin.

Nalaman ng KAMI na sa Christmas Special ng ABS-CBN, nakapagbigay ng mensahe si Brenda kay Kelvin na maaring hindi niya makasama ngayong Pasko sakaling hindi pa siya ma-evict gayung isa siya sa mga nominado ngayong taon.

Read also

TikTok Star Sassa Gurl, inaming anak ng kasambahay; sinurpresa ni Karen Davila

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"
Photo from Brenda Mage
Source: Instagram

Kasama si Madam Inutz, isa sa mga napag-usapan nila ang kanilang mga mahal sa buhay.

Dahil dito, nagbigay sila ng mga mensahe upang malaman ng kanilang mga minamahal na naiisip pa rin sila nina Brenda at Madam Inutz lalo na sa darating na Pasko.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Babe, I love you so much and thank you for loving me also, for accepting me at pinatunayan mo talaga na may pag-asa pang lumigaya ang kagaya ko o may ganitong kasarian na pwede pang mahalin at magmahal pagdating sa pag-ibig ng dyowa sa love life. Thank you for that unconditional love," ang kabuuan ng mensahe ni Brenda para kay Kelvin.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang ipinagagawa nilang bahay sa 'bundok'

Sa muling pagbubukas ng bahay ni Kuya ngayong 2021, season 10 na ng Pinoy Big Brother at pawang mga celebrity ang kanyang mga bisita.

Kamakailan, nag-viral ang post ng malapit na kaibigan ni Brenda Mage na si Juliana Parizcova Segovia. Pinalalabas na niya umano ang kaibigang si Brenda Mage.

Nasasaktan na raw umano si Juliana sa mga pambabatikos sa kanyang kaibigan at sinabi nitong mas maisasalba ni Brenda ang kanyang pangalan kung makalalabas na siya ng Bahay ni Kuya

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel