Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang ipinagagawa nilang bahay sa 'bundok'

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang ipinagagawa nilang bahay sa 'bundok'

- Ipinasilip nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ang pinagagawa nilang bahay sa 'bundok'

- Pinili nila ang lugar na ito dahil presko ang hangin, ang mga pagkain na maganda para sa kanilang lumalaking pamilya

- Pitong buwan na ang nakalilipas nang simulan ang pagpapagawa ng kanilang container house

- Naikwento nilang doon sana magpo-propose si Dennis kay Jennylyn ngunit napaaga ito dahil sa hindi nila inaasahang pagbubuntis ni Jennylyn

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Super excited na sina Jennylyn Mercado ay Dennis Trillo na matapos ang kanilang 'hideaway.'

Nalaman ng KAMI na ito ay ang kanilang container house na ipinatatayo sa 'bundok' kung saan sariwa ang hangin at pagkain na makabubuti raw para sa kanilang lumalaking pamilya.

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip ang ipinagagawa nilang bahay sa 'bundok'
Jennylyn Mercado at Dennis Trillo (Photo from Jennylyn Mercado's YouTube channel)
Source: Instagram

Sa Pinakabagong vlog ni Jennylyn kasama ang kanyang mister nagbiyahe sila upang makita na ang itsura ng isa sa mga tahanan nila.

Read also

Collab nina Zeinab Harake at Alex Gonzaga, nakapagbigay ng Php160,000 sa proyekto ng isang guro

Pitong buwan na raw ang nakalilipas nang simulan ang paggawa nito at kamakailan, sa kanilang pagbisita, nasa 70% na raw ang nagagawa dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayroon ding kanya-kanyang mga kwarto ang kanilang anak na sina Calix at Jazz.

Narito ang kabuuan ng video kung saan makikita ang napakaganda at very relaxing na lokasyon ng kanilang 'hideaway.':

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang nanalo. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy remake ng "Descendants of the Sun".

Si "Jen" ang longtime girlfriend at ngayo'y asawa na siya ni Dennis Trillo. Mayroon nang isang anak na lalake si Jen na si Alex Jazz sa dating nakarelasyon sa showbiz na si Patrick Garcia.

Read also

Brenda Mage, kasalukuyang nangunguna sa mga nais isalba sa 7th eviction ng PBB

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Oktubre 29, in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen.

At nito lamang Nobyembre 15, naibahagi ni Jennylyn sa kanyang Facebook page na ikinasal na sila ni Dennis Trillo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel