Collab nina Zeinab Harake at Alex Gonzaga, nakapagbigay ng Php160,000 sa proyekto ng isang guro

Collab nina Zeinab Harake at Alex Gonzaga, nakapagbigay ng Php160,000 sa proyekto ng isang guro

- Sa Vlogmas ni Zeinab Harake, naimbitahan niya si Alex Gonzaga para maglaro upang makatulong din sa napili niyang email sender

- Namangha ang team Zebby nang mabasa nila ang email ng isang guro dahil hindi para sa kanya ang inihihingi niya ng tulong

- Isinama na rin ni Alex na maglaro ang kanyang mister na si Mikee Morada lalo na nang malaman na para sa mga bata ang kanilang mapapanalunan

- Umabot sa Php160,000 ang maiuuwi ng guro na labis na nagpasalamat dahil maraming bata ang magkakaroon ng reading materials dahil dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa na namang masuwerteng nag-email kay Zeinab Harake ang kanilang natulungan sa Vlogmas niya na naibahagi ngayong Disyembre 17.

Sa episode na ito, si Alex Gonzaga naman ang kanyang nakasama na maglalaro at ang mapapanalunan nito ang siyang ibibigay sa guro na si Teacher Rachel.

Collab nina Zeinab Harake at Alex Gonzaga, nakapagbigay ng Php160,000 sa proyekto ng isang guro
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Instagram

Isinama na rin ni Alex na maglaro si Mikee kung saan kailangan lamang nilang mapagulong ang mga bola at mapahulog ito sa mga cups na may kaukulang halaga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa loob lamang ng tatlong minuto, umabot na sa Php150,000 ang napanalunan nina Alex at Mikee para sa guro at dinagdagan pa ito ng Zeinab ng Php10,000 bilang bahagi ng kanyang pinamimigay sa 'Santa Zebby.'

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Kamakailan, si Kim Chiu naman ang nakasama ni Zeinab sa kanyang vlog para maglaro at matulungan ang isang working student.

Christmas balls na ilalagay sa Christmas tree naman ang ginawa ni Kim kung saan ang mga balls ay may kaukulang halaga.

Napagod man sa pagtakbo at pabalik-balik sa kahon ng bola patungo sa Christmas tree, sulit naman ang pagod ni Kim dahil nakatulong sila sa isang masipag na fan ni Zeinab.

Nasa Php60,000 ang napanalunan nila at dinagdagan ito ni Kim para saradong Php100,000 na ang matanggap ng kanilang bibigyan ng biyaya.

Kilala rin si Zeinab sa pagiging mapagmahal sa kanyang pamilya. Bukod dito at pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan.

Matatandaang umabot sa tumataginting na Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel