Baby Bia nina Zeinab at Skusta Clee, nag-enjoy sa 'Mulan' photoshoot niya

Baby Bia nina Zeinab at Skusta Clee, nag-enjoy sa 'Mulan' photoshoot niya

- Nag-enjoy si Baby Bia nina Zeinab Harake at Skusta Clee sa super cute na 'Mulan' photo shoot nito

- Mulan ang napili ng kanyang Mommy Zeinab para sa photoshoot niya ngayong seven months old na siya

- Ngayong buwan din ang kanyang Daddy na si Skusta Clee ang magiging photographer niya

- Maging ang mga netizens ay talagang natuwa sa super cute na photshoot ni Bia

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Talaga namang lumitaw ang cuteness ni Baby Bia sa kanyang 7th month photoshoot na ibinahagi ng kanyang Mommy Zeinab Harake sa kanyang YouTube channel.

Nalaman ng KAMI na 'Mulan' ang theme na napili ni Mommy Zeinab para sa kanya.

Ngayong buwan din na ang kanyang Daddy na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang si Skusta Clee ng Ex Battalion ang naging photographer ni Bia.

Read also

Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"

Baby Bia nina Zeinab at Skusta Clee, nag-enjoy sa 'Mulan' photoshoot niya
Zeinab Harake (@zeinab_harake)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Taliwas sa madalas na nagyayari sa mga nagdaang photoshoot ni Bia, tila nag-enjoy siya ngayong mag-smile sa camera lalo na at ang kanyang Daddy Skusta ang nagpi-picture sa kanya kaya naman mabilis silang natapos sa kanilang shoot na noo'y umaabot ng ilang oras.

Kitang-kita na nag-enjoy naman si Bia sa kanyang photoshoot at hindi niya 'tinulugan' ngayon ang mga abala sa kanyang shoot.

Super supportive naman ang kanyang Kuya Lucas na walang ibang nasabi kundi "ang ganda ni Bia" lalo na nang makumpleto ng kapatid ang Mulan costume nito.

Maging ang mga netizens ay na-enjoy sa panonood sa photoshoot kay Bia na good vibes daw ang dala ng mga tawa nito sa kanila.

Narito ang mga kaganapan sa photoshoot mula sa YouTube channel ni Zeinab Harake:

Read also

Ivana Alawi, super love ang pamangkin na si Gabriel na "Mamita" ang tawag sa kanya

Si Zeinab Harake ay isa sa mga highest-paid vlogger sa bansa. Kasalukuyan na siyang may mahigit na 11 million YouTube subscribers.

Kamakailan, ibinahagi ni Zeinab ang pagtulong niya sa isang institusyon na nangangalaga sa mga batang may malubhang karamdaman. Napasaya niya ang mga ito sa pamamahagi niya ng mga pagkain, laruan at iba pang mga pangangailangan ng mga bata.

Bukod sa pagtulong niya sa mga kababayang nangangailangan, kinakitaan din ng pagiging galante at mapagbigay ni Zeinab sa kanyang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Matatandaang umabot sa Php200,000 ang kanyang binayaran nang ipinamili niya ng damit ang kanyang 'Team Zebbies.'

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel